Letter #11

82 11 1
                                    

July 5, 2015

Dear Sir Arellano,

Hindi ko talaga mapigilang hindi matuwa ngayon. Masayang-masaya ako dahil hindi ako nahuli ng pasok kanina. Hindi ako na-late! Buti naman kung gano'n, iniinda ko pa rin hanggang ngayon ang nananakit kong mga tuhod.

Natutuwa ako hindi dahil sa hindi ako na-late kanina. Tuwang-tuwa ako dahil nakita ulit kita. Gusto kong sampalin ang sarili ko kanina. Baka kasi nananaginip lang ako. Alam mo na, baka nananaginip ako ng gising. Doon lang naman kasi ako magaling, eh. 

Abot langit talaga ang kasiyahan ko kanina kahit tagaktak na ang pawis ko sa may oval. Pinagpala talaga ako ni Lord kanina, Sir. Imagine, ikaw pa ang naging platoon leader namin. Syeeet! Peace lang tayo Sir sa word. Hehehe.

Ganadong-ganado talaga ako kanina, Sir. Ibang-iba talaga kapag ikaw ang nasa harapan, Sir. Pakiramdam ko nasa alapaap na ako.

Mas lalo pa akong kinilig kanina nang kumanta ako at ikaw ang nasa tabi ko. Ikaw naman kasi Sir, masyadong maarte. Joke lang.

Sir naman, papainumin mo lang kami ng tubig kanina kailangan mo pa ng may kakanta sa harapan. Kaya nga lang may saltik yata si Lara, ako pa talaga ang tinulak para kumanta.

Sir, magbubuhat lang ako ng sariling bangko. Ehem, buti na lang maganda ang boses ko. Lels.

Nag-isip pa talaga ako nang mabuti kung ano ang maaari kong kantahin kanina. Syempre, ayokong mapahiya sa’yo. Nakakahiya naman kung magiging chaka ang kanta ko, ‘di ba?

Siguro ni Yeng Constantino ang kinanta ko. Alam mo na, nagpaparinig lang talaga ako, Sir. Feel na feel ko pa ang pagkanta kanina dahil inaalay ko ‘yon sa’yo. Buti na lang talaga at manhid ka. Hindi mo nahalata ang paghanga ko sa’yo.

Galawang hokage,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon