Letter #13

71 11 0
                                    

July 19, 2015

Dear Sir Arellano,

Sa araw ng linggo lang talaga ako kumakapit, Sir. Ngayon lang kasi kita nakita, eh. Noong mga nakalipas na limang araw ay hindi ko nakita ni isang anino mo sa loob ng campus. Por dios por santo, Sir. Huwag mong sabihing pinagtataguan mo ako.

Joke lang.

Alam mo namang ilusyonada ako. Hindi mo naman ‘yon magagawa, ‘di ba? Ni hindi mo nga ako nakilala noong ni-punish mo ako. Hanggang nayon ay hindi ko talaga ‘yon nakakalimutan.

Muntik na akong mahuli kanina. Buti na lang pagkababa na pagkababa ko ng jeep kanina ay kumaripas na ako nang takbo papasok ng campus nang nang makita kong magsisimula na ang formation. Ayoko nang ma-punish, ‘no! Kaka-rekaber lang ng mga tuhod ko, mananakit na naman dahil sa mga brutal na mga exercises na ‘yon.

Doon ako nag-form sa may 2nd platoon Echo. Ewan ko nga kung bakit do’n ako nilagay ng isang opisyal ng ROTC. Gusto ko sana nasa Bravo ako dahil nandoon kasi ang mga saltik kong kaibigan. Ang kaso, hindi yata para sa akin ang platoon ng Bravo. Hays.

Kagaya noong last meeting natin ay nasa Charlie ka naman. Ikaw na naman ang platoon leader nila. Sir, ah, snappy ka yata dahil lagi kang napupunta sa Charlie.

At kagaya na naman ng dati hanggang tanaw na naman ako sa’yo. Oo Sir, lihim kitang pinagmamasdan. Nagpipigil lang akong tumili kahit kilig na kilig na talaga ako sa’yo.

Ewan ko ba, OA na kung OA basta nakakabaliw na talaga. Sobra nang nakakabaliw. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko dahil sa lakas nang pagtibok nito. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa tuwing nagpupunta ka sa platoon namin para mag-inspect.

Sir, ayos na sa akin kung hanggang tingin na lamang ako sa’yo. Alam ko namang hanggang doon na lang ako. Ang saklap, ‘di ba? Pangalan mo nga hindi ko pa alam, ‘yong closure pa kaya na inaasam-asam ko?

Para kasing so near yet so far ang dating mo sa akin, Sir. Ang hirap mong abutin.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon