Letter #35

53 7 0
                                    

November 12, 2015

Dear Sir Arellano,

Ang galing ko talagang mag-laro nang taguan... taguan ng feelings.

Gusto ko na sanang mag-chill kanina. Inhale-exhale kumbaga. Ang kaso lang hindi ko na yata nagawa ‘yon kanina nang papasok na kami sa room para sa susunod na subject. Ikaw naman kasi Sir eh, sumusulpot ka na naman sa kung saan.

Base sa imahinasyon ko kanina ay muntik na akong masilawan nang makita kitang suot ang complete uniform. Sir, minsan ko lang sabihin ‘to pero sasabihin ko na talaga.

Sir! Ba’t ang sexy mong tignan sa uniform mo kanina? My God. Parang matutuyuan na yata ako ng dugo sa mga ginagawa mo.

Pansin ko nga ang panay mong pagtingin sa akin kanina habang papasok ng room kaya, panay naman ang tago ko sa tabi ng kaklase ko. Huh! Varsity ‘to sa hide-and-seek, Sir. Huwag ka.

Tinukso pa tuloy ako nina Melanie kanina. Eh, kesyo, nakatingin ka raw sa akin. Ang haba raw ng buhok ko. Mga loko-loko talaga ‘yon.

Pero seryoso ba talaga, Sir? Nakatingin ka ba? Ano na na lang ba ‘to? Hashtag titiganzoned gano’n? Hay naku. I feel you, Sir.

RIP saturday nga lang ako bukas. Saturday is enrollment day para sa Military Science 2. Nakakatamad naman, Sir. Hindi ba pwedeng sa linggo na lang gawin? Tinatamad talaga ako. Pero, okay lang ‘yon. Makita lang kita bukas ay ayos na ako.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon