Letter #31

50 10 0
                                    

October 9, 2015

Dear Sir Arellano,

Gusto ko lang mag-sorry sa’yo kung ngayong Oktubre na ulit ako sumulat. Tinatamad na kasi ako minsan Sir, eh. Tapos, busy din sa school. Hindi ko na rin nasisingit ang paggawa ko ng sulat sa’yo. Kaya, pasensya na talaga.

Ngunit ngayon, tapos na ang drama. Ikaw Sir, ah. Hokage ka rin. Sa tapat ng library ay may kiosk, ‘di ba? Nakatambay kami kanina do'n ni Jireh at nag-uusap tungkol sa mga walang kwentang bagay.

Pero... anak ng tokwa talaga. Bakit ka ba kasi dumaan do’n sa may kiosk? Kitang-kita mo na ang kabaliwan ko, Sir. ‘Yong biglang pagtago ko sa likuran ni Jireh.

Sir, sabi ni Jireh sa akin, tumatawa ka raw nang mapansin mo ang bigla kong pagtago. Sir, hiyang-hiya na talaga ako. Wala na akong mukhang maihaharap sa’yo. At hindi ko alam kung sinasadya mo talaga ‘yon sa tuwing nakikita mo ako.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon