Letter #19

52 8 0
                                    

August 17, 2015

Dear Sir Arellano,

Kaninang 10 AM, subject namin sa CRIM 101, may nakita akong mga papel na nakalagay sa ibabaw ng armrest ng upuan. Kaagad ko itong tinignan isa-isa, mga quizzes ‘yon, siguro sa isang klase na nauna sa amin. Isa-isa kong tinignan ang mga score, Sir. Wala lang. Trip ko lang.

Umupo ako kaagad at nasa tabi ko si Lizzy. Binasa ko ang mga pangalan na nakasulat sa papel. Ang hindi ko lang maipaliwanag ay ang biglang pagtibok ng malakas ng puso ko, Sir. Pakiramdam ko kabado ako ng husto. Nang tignan ko ang pang-huling papel ay binasa ko ng walang pag-aalinlangan ang pangalan nito.

Joren Arellano BS CRIM III-B

‘Yan ang nakasulat sa papel at nakakuha ito ng score na 9 over 10.

Nang mabasa ko ang pangalan na ‘yon ay bigla kitang naisip. Hindi ba’t Arellano ang apelyido mo? Sir, ikaw ba si Joren Arellano? Iyong crush ko na ROTC officer?

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangalan na iyon. 

Joren... Joren...

Kanina pa. Naiinis na nga ako sa sarili ko. Para na akong sirang plaka. Paulit-ulit. Pero, sana ay ikaw na ‘yong Joren Arellano na ‘yon. Kaso lang, may isang bagay lang akong hindi matatanggap kung ikaw man ‘yon. Alam mo kung ano, Sir? Ang katotohanang third year ka na. Masaklap, ‘di ba? Kumusta naman ako? Isang hamak na freshman pa lang. Masaklap talaga.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon