Letter #45

54 7 0
                                    

January 10, 2016

Dear Sir Arellano,

Hi, Sir! Happy 2016! Pasensya ka na kung ngayon lang ulit ako sumulat sa’yo. Alam mo naman, tinatamad na rin ako. At saka, ROTC day ngayon kaya hindi ako tatamarin magsulat.

Tawang-tawa talaga ako sa kalokohan ko kanina. Alam kong napansin mo ‘yon dahil lumingon ka saka tinignan ang pwesto ko habang ako naman ay nagpipigil nang tawa. Siya nga pala Sir, isang malaking himala na ikaw ang nag-handle sa platoon namin. Yehey!

Akala ko kasi kasama kami sa mag-e-execute ng kaliwang balikat kapag itinaas na ang guidon, ngunit, hindi pala. Jusko. Nakakahiya talaga ako kanina. Nang itinaas kasi ang guidon ay mabilis kong inaangat ang rifle ko para sa paghahanda sa kaliwang balikat. Nagtaka pa nga ako nang hindi gumalaw ang mga ka-platoon ko. Do’n ko lang na-realize na hindi pala kami kasali at saka lumingon ka pa. Siguro naramdaman mo na may gumalaw sa mga tao mo. Dahil nga napansin mo 'yon, nag-acting na lang ako na parang nangangalay na ang balikat ko. Ewan ko lang kung namalik-mata ba ako no’n pero nakita kong natawa ka.

Sino ba naman kasi ang hindi matatawa sa kalokohan ko? Hindi kasi ako nakikinig sa instruction, eh.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon