Letter #22

49 9 0
                                    

August 24, 2015

Dear Sir Arellano,

Gusto kong magwala! Syeeet! Packing tape talaga, Sir. Palihim akong nagsusulat ngayon. Sakto, vacant time namin. Nakatambay kami sa isang vacant room kasama ang mga kaibigan ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-move on. Jusko po, Sir! Ano ang ginawa mo sa akin? Mas lalo akong nabaliw ngayon nang makita kita. Ang boplaks lang talaga ng mga hormones ko. Mukhang hindi nag-iisip.

Katatapos lang ng CRIM 101 namin kanina nang makasalubong kita. Ang kaso, anak ng tokwa talaga, mabilis akong umatras at sinabayan pa ng panlalaki ng mga mata ko. Langya, Sir! Ang OA ko talaga kanina nang makasalubong kita. 

Bigla kang napatingin sa akin nang mapansin mo ang ginawa ko. Hindi ko alam kung namalik-mata ba ako pero nakita kitang natawa! Langya ulit. Syeeet! Kinikilig ako, Sir. Pero, ang OA ko talaga. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, Sir. Bigla-bigla na lang akong umatras. Tinukso pa ako nina Lizzy at Jireh kaya mas lalo akong nahiya.

Omg Sir, pinagtatagpo na ba tayo ng tadhana? Jusko, ang saya-saya ko nang makita kita kanina. Lalong-lalo na nang makita kong naka-uniform ka ng pang-criminology. Naks! Pareho pala tayong criminology student, Sir? Teka lang, baka ikaw na talaga si Joren Arellano. 

Halaaa! May chance na baka ikaw nga ‘yon! 'Yong nakakuha ng 9 over 10 na score. Sayang! Hindi ko nakita ‘yong ID mo. Pero, okay lang. May next time pa naman.

Ang saya-saya ko talaga, Sir! Magwawala na ako rito sa classroom. Pero, secret lang, baka mapagkamalan akong baliw ng mga kaibigan ko.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon