Letter #38

47 7 0
                                    

November 16, 2015

Dear Sir Arellano,

Sir, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Titili na ba ako dahil sa kilig o maghe-headbang na ba ako sa loob ng kwarto sabay suntok sa hangin?

Tuwang-tuwa lang talaga ako Sir nang may ni-text si Melanie kanina sa akin. Tinanong niya ako kung nag-text ka na raw ba. Nagtaka naman ako sa text ni Melanie kanina dahil baka na-wrong send lang siya. Wala naman kasing pangalan na nakalagay do’n sa mensahe niya.

Sinabihan ko si Melanie kanina na baka na-wrong send lang siya. Pero, sabi niya... hindi. Hindi raw siya na-wrong send. Tinatanong niya talaga ako kung nag-text ka na raw ba sa akin. Sabi ko naman sa kanya, wala. Wala pa akong natatanggap na text ngayong gabi.

Tinanong ko siya kung ano ba ang nangyayari. Sabi niya sa akin, kinuha mo raw ang cellphone number ko kahapon sa kanya. Nagpumilit ka pa nga raw dahil hindi na niya ito maibibigay dahil malapit ng mag-lowbatt ang cellphone niya.

Sir, seryoso talaga? Kinuha mo ang number ko kay Melanie? Parang ayaw ko namang maniwala, eh! Pero, seryoso nga? Kung oo ang sagot mo...

Ang saya-saya ko na talaga, Sir!

Nagmamahal,
Mary

P.S

Pakiramdam ko mahihirapan akong makatulog ngayon. Jusko naman! Malaking pasabog, Sir!

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon