Letter #30

48 9 0
                                    

September 8, 2015

Dear Sir Arellano,

Oh my God.

Hanggang ngayon ay hirap pa rin akong maniwala na ikaw pala si Joren Arellano. Jusko Sir, pinagtagpo talaga tayo ni Tadhana. Akalain mo ba naman, naiwan ang papel mo sa quiz do’n sa room kung saan kami nagklaklase sa CRIM 101, at saka, saktong-sakto pa na nasa upuan ko.

Sirrrr! Pinagtatagpo talaga tayo. Kaya nga nagpapasalamat ako at naiwan ang papel mo do’n. Kung hindi man, hindi ko yata malalaman ang pangalan mo.

Alam mo bang hirap akong matulog kagabi? Jusko naman, Sir! Pa’no ba naman ako makakatulog nang maayos kung todo-todo naman ang kilig ko? Kapag naaalala ko ang pag-akbay mo sa akin kahapon ay gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Langya talaga, Sir. May sakit na yata ako sa utak.

Panay pa nga ang gamit ko ng phone ko, eh kahit hindi naman ako palagamit no’n. Wala lang, tinitignan ko lang ang wallpaper ko.

Sa tuwing nakikita ko ang picture na ‘yon ay bigla-bigla na lang akong napapangiti. Ewan ko ba, baliw na yata ako. Nabaliw ako ng wala sa oras, Sir. Binaliw mo ako.

Kanina ngang pauwi ay kasabay ko sina Jireh, Lizzy, at Melanie. Binibiro pa nga nila ako na palitan ko na raw ang wallpaper ng phone ko dahil mas lalong lumalaki ang eyebags ko.

Kita mo na Sir, para na akong drug-addict. At ikaw ang aking droga... nakaka-adik. Jusko.

Hay naku, Sir! Iba talaga ang tama mo sa akin. Nakakabaliw. Mahirap pigilan.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon