Letter #44

47 7 0
                                    

December 13, 2015

Dear Sir Arellano,

Last meeting na ng ROTC ngayon dahil malapit na ang christmas vacation. Yehey! Goodbye pagod at goodbye antok na naman ako. Akala ko nga absent ka kanina dahil hindi kita nakita sa flag ceremony kanina. Buti na lang at maling akala lang pala ako. Nabuhayan talaga ako kanina nang makita ko kayo ni Sir Torres na tumatakbo papunta sa oval.

Nagtataka lang talaga ako kanina dahil punta ka nang punta sa may platoon ng Delta. Pagkatapos, pupunta ka sa platoon namin. Si Sir Perez kasi ang nag-handle sa platoon namin kanina. ‘Yong officer na walang hiya. Tinuturuan niya kami sa proper execution sa pag-siyasat gamit ang wooden rifle. Nakapagtataka nga lang dahil lagi mo akong sinisita. Sinasabihan mo ako na hindi tama ‘yong pagkaka-execute ko. Pati si Sir Perez kanina nagtataka na rin dahil tama na man daw ‘yong execution ko sa mga command nito.

Sa katunayan, kabado pa ako kanina nang pina-pull out mo ako sa platoon namin at mag-isa mo akong tinuruan. Sabi naman ni Sir Perez, wala namang problema sa execution ko... pero sa’yo meron? Ay, grabe. Hindi tuloy ako makapag-concentrate kanina dahil sa one-on-one natin. Hay naku, Sir! Sariling diskarte ka na naman, ‘no?

Kwinentuhan naman ako kanina ni Lizzy nang pauwi na kami. Kasi, kaninang formation namin, bago kami pauwiin ni Ma’am Soriano since last meeting na namin ito. Nagkaroon kami ng game. Pinapikit kaming lahat na mga kadete. So, ‘yon na nga, kwento sa akin ni Lizzy dahil napagdiskitahan siya ng mga opisyal na kumanta habang nakapikit kaming lahat. Nakita ka raw niya na lumapit sa may platoon namin at tumapat sa akin. Sabi pa niya, matagal ka raw nakatingin sa akin. ‘Yong ibang mga opisyal daw kanina ay panay pa ang sigaw sa kilig? Kaya pala may naririnig ako kaninang mga panunukso mula sa ibang mga opisyal. 

Sir! Sinasabi ko lang. Ang sama mo talaga! Sinamantala mo ang pagkakataon kaninang nakapikit ako. Walang hiya lang. Hiyang-hiya ako sa hitsura ko kanina. Para akong sunog na liempo.

Kanina rin sa may gate, napansin ko rin na parang gusto mong makipag-usap sa akin dahil panay ang tingin mo ngunit nag-aalangan ka namang lumapit. Napurnada nga lang ang pakay mo dahil tinawag ka ni Sir Torres. Ano ba kasi ang gusto mong sabihin?

Hays, ang hirap manghula Sir, ah! Oh, mahaba-haba rin ang sulat ko. Ginanahan kasi ako, eh. Pagbigyan mo na ako dahil last meeting na sa ROTC kaya hindi na kita makikita sa mga susunod na araw.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon