Letter #6

127 10 0
                                    

June 28, 2015

Dear Sir Arellano,

Gusto ko na talagang maiyak ngayon habang nakadukdok ang ulo ko sa may study table. Ang sakit-sakit ng mga tuhod ko. Pakiramdam ko babagsak na ako sa sahig kapag tumayo pa ako mula sa pagkakaupo.

Sir naman eh, ang lupit niyo kanina sa akin — sa amin. Aminado akong nahuli ako nang pasok kanina. Alam kong dapat exactly six o’clock ay nandoon na ako sa school. Pero Sir, may saltik talaga ako. Imbes na bumangon ako kaninang alas-kwatro ng madaling araw, nagpasya akong bumalik ulit sa pagtulog. Kaya, ‘yon na nga! Late na ako. Halos seven-thirty na akong dumating sa school at nagfo-formation na ang mga kadeteng katulad ko.

Ang hindi ko lang matanggap ay ikaw ‘yong nagbigay ng punishment sa akin. Sir, hindi mo ba ako naalala? Ako ‘yong kadeteng inalok mo ng tubig noong enrollment. Buti pa ako, hindi kita nakalimutan. Pero, ikaw? Ikaw na hinahangaan ko, nakalimutan ang isang tulad ko? Oh sige, ilusyonada talaga ako.

Pang-third element ako kanina sa may first squad. Halos mag-back flip pa ako sa kilig nang makita kita ng harap-harapan. Pero, tila gumuho lahat ng ‘yon ng ikaw ang magbigay ng punishment.

Sir, grabe ang dinanas kong hirap sa kamay mo kanina. Naka-knuckle position, squat position, push-up position, jumping jacks — lahat na yata ng exercise na ‘yon pinagawa mo sa amin. Kulang na lang ay maglaho na ako kanina doon sa aking kinatatayuan.

Dahil nga late na kami sa formation, pinatakbo mo pa kami papuntang oval. Parang jelly ace na ang mga tuhod ko kanina habang tumatakbo. Kulang na lang ay bumagsak na ako doon. Hays. Ang saklap nang simula ng araw ko ngayon.

Ngunit, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. Sir, ang terror mo pala. Jusko. Nakakatakot kapag ikaw na ang nagbigay ng punishment.

Huwag kang mag-alala, crush pa rin kita. Ayieee. 

Masakit ang mga tuhod,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon