Letter #42

43 6 0
                                    

December 7, 2015

Dear Sir Arellano,

Ito ba talaga ang feeling kapag nakakasabay mo ang crush mo sa jeep? ‘Yong feeling na hindi ka mapakali. Parang gusto mo nang bumaba ng jeep kahit nagmamadali ka. ‘Yong todo tago ka sa may bag mo. Hay naku, Sir! ‘Yan ang mga pakiramdam ko kanina nang makasabay kita. Partida, kaharap pa kita.

Pusang gala lang talaga, Sir. Gustong-gusto ko na talagang tumili kanina kaso hindi ko lang magawa. May konting kahihiyan pa naman akong natitira. Eh, hindi pa ako mapakali kanina kasi nga kaharap lang kita. Tapos, kapag magkukunwari akong kalmado saka titingin sa kung saan, bigla-bigla ka na lang nahahagilap ng mga mata ko. Ang matindi pa, may mga pagkakataong nagkakatinginan tayo. Langya lang. Nakakahiya.

Mas natatawa talaga ako noong pababa ka na kanina. Syempre, opportunity ko na ‘yon, ayos na sa akin kahit likuran mo lang ang makita ko. Ang kaso lang, nagulat ako. Hindi ko in-expect na lilingon ka sa may gawi ko at magkakatinginan pa ulit tayo. Naku talaga! Nakakarami ka na, Sir! Isa pa, isa pa ulit.

Nang makababa ka na kanina. Humabol pa ako nang tingin. Syempre, opportunity na naman. Nang nakita kitang tumatawid, hindi ko mapigilang mapangiti. Sir, ba’t ka naka-smile? Anong meron?

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon