Letter #9

96 9 0
                                    

July 1, 2015

Dear Sir Arellano,

Hello ulit, Sir! 

Hindi ko namalayan na July na pala. Ang bilis ng panahon, ‘di ba? Kung gaano man kabilis magpalit ng buwan ang kalendaryo, gano’n naman kabagal gumawa ng paraan si Tadhana para pagtagpuin tayong dalawa.

Sir, month of July na ngunit hanggang ngayon ay hanggang apelyido pa rin ako sa iyo. Ano ‘to? Hanggang surname na lang ba ako? Nasa’n na ang hustisya para sa isang katulad ko?

Kanina habang nasa Math class ako, panay pa ang tingin ko sa labas ng bintana tuwing may dumadaan na criminology student. Nagbabaka-sakali lang naman ako na baka isa ka do’n sa mga dumaraang estudyante. Gusto lang naman kita makita at saka gusto kong malaman kung ano ba talaga ang course mo.

Ayoko nang magtanong kay Kuya Allen. Masyado akong nagigisa dahil sa mga kapalpakan ko. Kaya, simula ngayon, magdadahan-dahan na ako. Baka magkaroon tayo ng forever.

Hindi ba’t sabi sa isang kanta: may forever kung dahan-dahanin mo lang.

Nagsesenti lang naman,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon