Letter #53

54 8 0
                                    

August 23, 2016

Dear Sir Arellano,

Hanggang ngayon ay tawang-tawa pa rin ako sa inasal ko sa’yo kanina. Pasensya ka na Sir, tinopak lang talaga ako. Kaya ko lang naman kasi ‘yon nagawa eh, napansin kong nakatingin ka sa akin kanina. Maski sina Jireh at Melanie ay napansin din ‘yon kaya panay ang tukso nila sa akin.

Sa katunayan, gusto ko lang isalba ang sarili ko mula sa kahihiyan dahil sa mga kaibigan ko. Bigla na lang ‘yon pumasok sa isipan ko. Akala ko worth it ‘yong ginawa ko. Akala ko maisasalba ko ang sarili sa kahihiyan. Kaso lang, palpak. Mas pinahiya ko pa ang sarili ko.

Hiyang-hiya talaga ako. Parang nag-slow motion na ang paligid kanina nang nginitian mo ako pagkatapos kitang sabihan ng, “Tara! Kain tayo.”

Walang hiya, Sir. Ang lakas-lakas ng epekto sa akin ng mga ngiti mong iyon. Nakakapanlambot ng mga tuhod, Sir. Jusko.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon