Letter #50

50 7 0
                                    

June 12, 2016

Dear Sir Arellano,

Sir! Pasensya ka na kung hindi na ako masyadong sumusulat sa’yo. Medyo busy din kasi ako at medyo tinatamad din. Ngayon ko lang nalaman na marami na pala akong nagawang sulat sa’yo. Halos mapuno na nga nito ang kahon na pinaglalagyan ko. Syempre, maingat ako sa pagtatago no’n, baka mabuking pa ako nina Mama at Papa sa kalokohan ko. Baka sabihan pa akong may sakit na sa pag-iisip. Pero, wala talaga, Sir. Gusto ko lang gumawa ng sulat kahit alam ko namang hindi mo ito mababasa.

Sa sulat ko lang kasi nasasabi ang mga nararamdaman ko sa’yo. Kung paano ako kiligin, matuwa, at masaktan. Tuwang-tuwa na ako Sir kapag sumusulat ako sa’yo. Saka, nakakatawa nga lang, hindi ko naman nabibigay ang mga sulat na ito sa’yo. Kailangan ko pa ng kapal ng mukha para magawa ko itong ipabasa sa’yo.

Linggo na pala ngayon, ‘no? Lunes na bukas. Masaklap nga lang. May pasok na ang mga estudyante bukas ngunit tayo, wala pa. Naiinip na ako. Gusto ko nang pumasok sa paaralan. Naiinip na ako sa kamumukmok dito sa bahay. Lahat kasi ng kaibigan ko may kanya-kanyang mga lakad. Alam mo na, may mga syota kasi ang mga ‘yon. Ako lang ang wala. Pero Sir, sinasabi ko lang. Hindi ako nagpaparinig na wala akong syota.

Hay naku, kung saan-saan na napupunta ang sinusulat ko. Sige Sir, good night na. Lagi kang mag-iingat.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon