Letter #60

181 9 3
                                    

June 6, 2017

Dear Sir Arellano,

Langya lang. Hindi ko mapigilang hindi maluha habang nagsusulat ako. Akala ko magiging ayos ako. Akala ko magiging maayos ang lahat ngunit hindi pala. Hindi ko pala kayang tanggapin Sir na graduate ka na. Hindi ko pala kayang tanggapin ang katotohanan na hindi na kita makikita pang muli sa school. Ang bigat sa damdamin, Sir. Marami akong alaala sa’yo na hinding-hindi ko makakalimutan. Lalong-lalo na sa ROTC at no'ng minsan mo akong na-punish. 

Nagpapasalamat ako na nakilala kita. Naging inspirasyon din kita Sir sa tuwing may mga quizzes, recitations, at exams ako. Syempre naman, same course tayo. Nalagpasan mo na lahat nang paghihirap na ‘yon. Kung nakaya mo, panigurado kakayanin ko rin. Kaya nga naging inspirasyon kita.

Nagpapasalamat din ako dahil naramdaman ko rin ang mga tinatawag na “kilig to the bones”. Pakiramdam ko bumalik ako noong nasa high school pa lang ako. ‘Yong kilig dito, kilig doon. Hays. Mami-miss ko lahat ng ‘yon. Lalong-lalo na kapag nagkakatinginan tayo o kaya naman ‘pag nagkakasabay tayo. Marami akong hindi makakalimutan, Sir.

Hindi naging boring ang mga sunday instruction ko dahil sa’yo. Eh, no’ng ni-punish mo ako mukha pa yatang nag-enjoy ako. Pero Sir, deep inside talaga masakit na no’n ang mga tuhod ko.

No’ng tinawag kanina ang pangalan mo Sir, todo palakpak ako. Takang-taka pa nga yung Tita at Tito ko, lalong-lalo na ‘yong pinsan ko. Wala na akong pakialam kanina basta’t masayang-masaya ako nang makita kitang umaakyat sa stage. Gusto ko ngang sumigaw kanina ng “Crush ko ‘yan!” pero nagpigil ako. May konting kahihiyan pa naman ako sa sarili ko.

Sir, naluluha talaga ako habang nagsusulat ako ngayon. Naaalala ko kasi ang mga kalokohan ko kapag nakikita kita. Naaalala ko rin ang mga sinabi mo sa akin noon na “sana noon pa kita nakilala” o ‘di kaya’y “nagpapasalamat ako dahil nakilala kita”. Kahit marami akong gustong itanong sa’yo ay mukhang hindi ko na magagawa pa. Malabo na yatang magkausap pa tayo. Ngunit, ayos lang ‘yon Sir. Naiintindihan kita. Siguro, hanggang doon na lang talaga.

Sana... sana hindi mo ako makalimutan Sir kahit minsan lang tayo nagkausap. Hindi ko na alam pa kung ano ang maaari ko pang sabihin. Basta, masayang-masaya ako sa araw ng iyong pagtatapos.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ngiti mo kanina nang abot-kamay mo na ang iyong diploma. Kitang-kita ko ang saya sa iyong mga mata. Pagkatapos ng graduation ceremony kanina ay hinanap pa kita. Gusto ko sanang masilayan ka ulit. Gustong kong sabihin sa iyo na masayang-masaya talaga ako. Paulit-ulit na lamang, Sir. Wala na talaga akong pagsidlan ng tuwa.

Kaya, sinusulat ko na lamang ngayon kung ano ang nararamdaman ko. Kahit alam kong hinding-hindi mo naman mababasa lahat ng mga sulat ko sa’yo. Sinasabi ko ulit Sir, hindi na talaga ‘to simpleng paghanga o crush. Mahal na talaga kita. Ngunit, hanggang do’n na lang ‘yon. Hinding-hindi kita makakalimutan, Sir Arellano. Pati na rin ang mga ibinigay mong masasayang alaala.

Ito na pala ang huling sulat ko sa’yo, Sir. Lagi kang mag-iingat. Abutin mo ang mga pangarap mo. Congratulations ulit sa’yo! Maligayang pagtatapos. Hanggang dito na lang, Sir. Hinding-hindi kita makakalimutan. Maraming salamat sa pagtulong sa akin sa pagbuo ng mga magagandang alaala.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon