Letter #25

48 9 0
                                    

August 30, 2015

Dear Sir Arellano,

Tawang-tawa pa rin ako hanggang ngayon kapag naaalala ko ang nangyari kay Sir Perez kanina. Huh, buti nga sa kanya. Sayang nga lang at hindi ito nadapa kanina sa pagtakbo, muntikan lang. Bahagya kasi itong natapilok kanina ng kaagad kayong pinag-form ng corp commander sa may unahan. Gusto ko na sanang tumawa kanina dahil natupad ang hiling ko. Kaya lang, hindi na iyon natuloy, ayokong maparusahan sa salang pagtawa ‘no.

Inis na inis pa rin ako hanggang ngayon, Sir. Sa tuwing nakikita ko si Sir Perez kanina sa oval ay mas lalo pang sumisidhi ang galit ko sa kanya. Jusko, Sir. Kung hindi lang talaga feelingero itong si Sir Perez hindi ako hihiling ng gano’n.

Ang sama talaga ng ugali ko, Sir. Pasensya ka na talaga. Bad trip lang talaga ako kanina dahil panay ang punta ni Sir Perez sa may platoon namin at laging tsini-check kung tama ba ang pagkaka-execute namin sa siyasat.

Akala niya siguro tuwang-tuwa ako sa presensiya na. Naku, isang malaking hindi. Gusto ko nga siyang ilibing ng buhay kanina, eh. Buti na lang at napigilan ko pa ang sarili ko.

Sige Sir, good night lang muna. Pagod kasi ako ngayon kaya wala akong masyadong maisulat sa’yo. Pasensya ka na ulit, Sir. Good night.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon