Letter #41

49 6 0
                                    

December 5, 2015

Dear Sir Arellano,

“Good things comes to those who wait.”

Tumpak! Totoo ang ni-text sa akin ni Jireh sa akin kahapon. Sheeeyt, Sir! Hindi ko ‘to inaasahan. Pagkatapos ng paghihintay ko sa message mo... sa wakas, nag-text ka na rin sa akin. Hindi pa nga ako naniniwala na ikaw ang nag-text dahil baka niloloko lang ako ng mga kaibigan ko. Alam mo na, baka sabihan pa ako ng mga ‘yon na uto-uto ako. Nag-iingat lang naman ako, Sir.

Pero... pero talaga, pinatunayan mo sa akin na ikaw talaga ‘yon! Jusko, Sir. Magpapa-party na ba ako? Muntik na akong mag-headbang sa labas ng bahay kanina nang tumawag ka. Walang hiya lang. Nagkanda-utal-utal pa ako nang magkausap tayo.

Sheeeyt! Ang sarap pakinggan ng boses mo Sir para akong dinadala sa alapaap. Bakit ba kasi ang lambing ng boses mo? Nakaka-in love! At ang matindi pa, ni-english mo pa ako. Sir naman, huwag gano’n. Baka mag-nosebleed ako at maubusan pa ng dugo.

Hindi ko talaga inaasahan ang araw na ito. Pinapasaya mo ako lalo, Sir! Minamahal na talaga kita.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon