Letter #17

58 9 0
                                    

August 9, 2015

Dear Sir Arellano,

Ang saklap. Ang saklap talaga. Akala ko good news ang sasabihin kanina ng corp commander natin na si Ma’am Soriano, bad news pala. Umasa na naman ako sa wala.

Pero, sana naisip ko na rin dapat ang posibilidad na mangyayari talaga ‘yon. Kung dati ay half day lang lagi ang sunday instruction, simula next week ay whole day na kami para sa nalalapit na “Presentation of Escorts & Sponsors”. 

Hays. Rarampa na naman sa oval ang mga gwapo at magaganda kagaya noong last week.

Alam mo Sir, inis na inis kaya ako nang malaman kong si Marielle ang kapareha mo. Jusko, hindi naman sa insecure ako dahil sa maputi siya. Duh! Maputi lang siya, ‘no. Maputi lang, hindi kagandahan.

Siguro kung nababasa mo ito ngayon ay pagtatawanan mo ako. O, baka naman isipin mo na nagseselos ako. Oo na Sir, nagseselos nga ako. Kahit crush lang kita nagseselos ako.

Mas lalo pa nga akong nainis nang makita ko siyang naka-angkla sa braso mo kanina. Feeling close talaga ang babaeng ‘yon. Ewan ko ba kung anong block siya. Buti na lang talaga at hindi ko siya kaklase. Baka sa tuwing magkikita kami sa classroom ay mumurahin ko lang siya sa isipan. 

Habang nasa oval ako kanina, bilad na bilad sa ilalim nang sikat ng araw, tumutulo ang pawis, nauuhaw, gusto kong sumigaw ng, “Ako dapat ang nandiyan!”

Ang kaso lang, may kahihiyan pa akong natitira sa katawan ko. Panay pa nga ang pang-aasar kaninang break time nina Jireh at Lizzy sa akin, eh. Mga walang hiya talaga ang kaibigan ko, Sir.

Sa tuwing nakikita kita kanina sa may canteen panay naman ang bulong ko sa sarili na: “Okay lang ‘yan, Mary. May susunod na mga araw pa. Maghintay ka lang.”

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon