Letter #23

57 9 0
                                    

August 28, 2015

Dear Sir Arellano,

Dismayado ako kanina nang malaman kong may tree planting bukas. Nakakadismaya lang naman kasi sabado bukas, araw nang pahinga, tapos magkakaroon pa ng tree planting. Grabe Sir, ang babait talaga ng mga kadete at opisyal. Masyadong maka-kalikasan.

Sir, paano naman ako no’n? Wala na akong pahinga. Pagod na pagod na po ako. Sir, pasensya na ulit, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Naku Sir, ‘pag mabasa mo talaga ang sulat kong ito sasabihin mo talagang isa akong maarteng nilalang.

Sabi pa sa naka-post sa may bulletin board kanina, ang hindi pumasok bukas, drop kaagad. Langya. Nananakot talaga, Sir.

Hays, papasok na nga lang ako bukas. Takot ko lang sa inyong mga officer. Ayokong ma-drop out, ‘no. Nakakatamad ng umulit sa ROTC. Papasok ako bukas kahit tinatamad ako. Buhay estudyante nga naman.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon