Letter #24

47 9 0
                                    

August 29, 2015

Dear Sir Arellano,

Susulatan kita ngayon Sir dahil hindi ka um-attend sa tree planting. Na-punish na naman ako kanina dahil hindi ako nagdala ng bolo at walis ting-ting. Isang five weeks lang naman na pumping, limang minutong squat position, limang minuto na push-up position, at jumping jacks. Full package na, Sir. Wow na wow. Kaya heto ngayon parang lantang gulay.

Inis na inis lang naman ako kay Sir Perez kanina. Iyong opisyal na feelingero eh, saksakan daw siya ng gwapo, porke’t marami ang nagkakagusto sa kanya.

Akala niya kasi sa kanya ako nakatingin. Eh, ang totoo lang naman ay siya ang pumwe-pwesto sa harapan ko para masabi niyang nakatingin ako sa kanya. Eh, sa look straightforward daw. Masyado siyang feelingero. Sabihan ba naman ako na may crush daw ako sa kanya dahil sa kanya ako nakatingin. Naku, Sir. Ang sarap niyang patayin kanina.

Hindi kaya kita ipagpapalit para sa feelingerong iyon. Aba’t ang swerte naman ni Sir Perez kapag ginawa ko ‘yon. Hay naku Sir, hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin ako sa inis. Gusto ko siyang sakalin. Ang kapal lang talaga kasi, eh. Sana talaga madapa siya bukas, sakto ROTC na naman.

Madapa sana si Sir Perez bukas, inuulit ko. Naiinis kasi ako sa kanya Sir, eh. Pasensya na. Naglalabas lang talaga ako ng sama ng loob.

Inis na inis,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon