Letter #48

51 7 0
                                    

April 4, 2016

Dear Sir Arellano,

Sir, masakit pala ang nag-e-expect. Oo, tama. Nag-expect talaga ako Sir. Sagad na sagad. Sobra pa sa sobra. Nag-expect ako na makikita kita sa araw ng graduation ko sa ROTC ngayon, pero hindi pala. Walang akong nakitang Joren Arellano kanina sa may MPH Building.

Napapalingon pa nga ako kanina sa aking likuran sa tuwing may dumaraang opisyal, umaasang makikita ka. Ngunit, wala talagang pag-asa Sir. Hinanap din kita sa pulutong ng mga second class officers pero, hindi kita nakita.

Natapos ang buong graduation ceremony na hindi kita nakita. Hays, akala ko nando’n ka talaga. Umasa ako sa wala. Masakit pala.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon