Letter #33

48 8 0
                                    

October 12, 2015

Dear Sir Arellano,

Sabog talaga ako ngayon. Hindi nga lang literal. OA lang talaga ako Sir, alam mo na ‘yon. Simula na kasi ng exam natin ngayon. Alam kong todo-todo ang pagsusunog mo ng kilay kagabi. Syempre, kasama na ako do’n sa mga estudyanteng nagsusunog ng kilay makapasa lang sa exam.

Tatlong major subject ang in-exam namin kanina. Halos dumugo na ang utak ko dahil sa pag-iisip. Samahan pa nang paghikab dahil sa puyat. Malulusog na nga ang eyebags ko Sir, eh. Ikaw ba? Kamusta ang mga eyebags mo?

Para sa future kasi ang ginagawa kong ‘to Sir, eh. Nakakahiya naman sa mga magulang ko kung forever nila akong PAL — PALalamunin. Gusto ko kasing may papatunayan ako sa mga magulang ko, Sir. Alam kong gano’n ka rin. Well (char), lahat naman tayong mga estudyante ay gano’n, ‘di ba? Ayokong maging pasanin sa balikat ng mga magulang ko. Ang kapal naman ng mukha ko kung magiging gano’n.

Buti na lang talaga at nakita kita kanina Sir kahit saglit lang. At least, medyo naibsan din ang pagiging stressed ko.

Naniniwala na talaga ako, kapag hindi mo hinahanap ang taong gusto mong makita ay kusa na lang itong magpapakita sa’yo. Kaya sa susunod hindi na talaga kita hahanapin Sir.

Sige Sir, good night na. Gigising pa kasi ako ng maaga mamaya para mag-study. May dalawang subject pa ako bukas. Jusko. Hirap na hirap na ako, Sir. Pero, para sa future na talaga ‘to. Good luck sa ating dalawa.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon