Letter #16

62 8 0
                                    

August 2, 2015

Dear Sir Arellano,

Laking tuwa ko kanina ng ikaw ang mag-handle ng platoon namin. Tanggal ang pagod ko sa dinanas kong punishment kanina. Sorry naman, Sir. Late na naman kasi ako, eh. Para na namang jelly ace ang mga tuhod ko kanina. Feeling ko hindi ko na kakayaning tumayo sa loob ng limang oras sa ilalim nang sikat ng araw. Ginawa ko na ngang tungkod ang wooden rifle kanina, eh. Para akong matanda, nangangatog ang mga tuhod.

Tuwang-tuwa pa ako kanina nang tinanong mo ako kung ayos lang ba ako. Sheeeyt, Sir! Gusto ko nang malunod. Malunod sa kilig!

Oh my God.

Napansin mo siguro kanina ang nanginginig kong mga tuhod. Mas dumoble pa ‘yon nang kinausap mo ako. ‘Nak ng tokwa, Sir. Ako na ang pinakamasayang kadete sa balat ng lupa!

Kaya heto ako ngayon mukhang takas sa mental, pinagsususuntok ko ang higaan ko. Buti na lang malambot ang kama ko, iwas sakit sa kamao.

Sana ikaw na lang lagi ang platoon leader namin. Hindi kasi ako nagsasawa sa kakatitig sa’yo kahit nasa first squad ako. Tumitiyempo ako na matapat sa fifth or sixth element para naman mas malinaw sa malapitan. Naks.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon