Letter #26

47 7 0
                                    

September 1, 2015

Dear Sir Arellano,

Oh my God, Sir! Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako nagtatago sa may laboratory. Jusko Sir, ang lakas pa rin nang tibok ng puso ko.

Buwan ng wika ngayon. Karamihan ng mga estudyante ay nasa may MPH. May kasiyahan kasi do’n, eh. Lalong-lalo na ang pinakahihintay kanina, ‘yong “Ms. Spoof at Mr. Tigasin” kung saan ang lalaki ay magpapaka-babae at ang babae naman ay magpapaka-lalaki. Ang haba nang paliwanag ko, ‘di ba? Okay, in short, cross-dress.

Ang hindi ko lang makalimutan ay ‘yong nangyari kanina. Sir! Tuwang-tuwa na naman ako nang makita kita kanina. Natatawa lang ako sa naging kilos ko kanina. Hindi ko alam Sir kung ramdam mo ba talaga ang mga tingin ko sa’yo kanina. Jusko. Medyo malayo ang distansya natin kanina kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tignan ka ng palihim.

Pero, pero — naku! Ang puso ko, Sir!

Bakit ka naman kasi tumingin sa pwesto ko? Hindi mo ba alam ng dahil sa matagal mong pagtitig sa akin ay halos sumubsob na ako sa sahig dahil sa pagmamadaling kong magtago? Sir! Halos matapilok na ako. Hiyang-hiya ako sa sarili ko kanina.

At ito pa ang mas matindi, dahil sa pagmamadali kong makalabas ng MPH kanina hindi ko na naman namalayan na magkasabay pala tayo. Ewan ko ba, bahala na kung OA, ngunit parang nag-slow motion ang lahat Sir. Ang kaso lang boplaks na naman ako, muntik na naman akong matapilok buti nalang at naka-balanse ako nang maayos.

My God! Sir, ang puso ko.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon