Letter #28

45 10 0
                                    

September 6, 2015

Dear Sir Arellano,

Pasensya ka na kung ngayon lang ulit ako sumulat sa’yo. Alam mo naman ang nangyari nitong mga nakalipas na araw. Nagkaroon ng special formation para sa nalalapit na presentation next week. Halos straight tatlong araw akong kulang sa tulog dahil ayaw ko namang ma-late. Rain or shine pa naman tayo sa field. Buti na nga lang at hindi pa ako sinisipon.

Kagaya kanina, wala pang-six ay nandoon na ako sa school. Naabutan ko pa nga kayong nag-a-army dozen kanina kahit madilim pa. Hindi pa rin dumarating sina Lizzy at Jireh. Mga tulog mantika pa naman ‘yon.

Early ang naging formation, makulimlim pa no’n. Pabalik-balik ang turo ni Sir Linares ng rifle drills kanina. Hindi kasi kami magkasabay-sabay. Panay pa ang punishment namin sa bawat mali. Kaya heto ako ngayon, bugbog-sarado na naman ang katawan.

Start na nang marching kanina ng biglang umulan. Akala ko pa naman ipapatigil ang pagmartsa namin dahil mas lalong lumakas ang ulan. Akala ko lang naman pala ‘yon... patuloy pa rin ang pagmartsa namin sa field, partida five rounds pa ‘yon. Kahit giniginaw na kami kanina ng mga ka-platoon ko ay go lang nang go pa rin.

Basang-basa na ako kanina, Sir. Para akong naligo sa dagat. Naiisip ko kanina na baka hindi ako pasasakyin ng jeep dahil basa ako. Wala pa naman akong dalang extrang mga damit. Hindi ko naman alam na torture pala ang aabutin ko ngayong linggo.

Mga alas-tres na nang hapon itinigil ang practice. Bago kami itiniwalag ay nag-attendance muna. Alam mo ba Sir na malakas ang tibok ng puso ko kanina ng ikaw ang mag-attendace sa amin? Binabanggit mo pa lang ang apelyido kong Magallanes ay halos mangisay na ako sa kilig. Hindi pa nga ako mapakali kanina ng panay pa ang tingin mo sa akin.

Oo na Sir, bahala na kung ilusyonada talaga ako pero nakatingin ka talaga sa akin kanina. Hindi ko alam kung ano ang problema mo. Pero baka, baka namukhaan mo ako, Sir. Ako ‘yong babaeng muntik nang sumubsob sa sahig ang mukha dahil sa pagmamadaling magtago.

Naku, Sir! Abot langit na naman ang kahihiyan ko. Pero totoo talaga Sir, nakatingin ka sa akin kanina.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon