Letter #7

119 11 0
                                    

June 29, 2015

Dear Sir Arellano,

Tawa kami nang tawa habang pababa ng jeep kanina. Infairness, nakasabay ko pa sa pagsakay ng jeep ang dalawa kong may saltik na kaibigan — sina Lizzy at Jireh. Tawa kami nang tawa dahil pare-pareho ang dinadaing namin. Ang pananakit ng mga tuhod.

Kung ako ay na-punish mo kahapon dahil sa late ako. Sila naman ay na-punish daw ng kanilang platoon leader dahil sa hindi pagsunod. Imbes na tumakbo raw sila, ang ginawa nila ay naglakad. Sinigawan pa nga sila ng, “Sige! Maglakad pa kayo!”

Tanong ko lang Sir, gano’n ba kayong lahat? Kayong mga ROTC officer? Siguro, oo. Eh, ni-punish mo nga ako kahapon. Sabi pa nga ni Commander, dini-disiplina lang daw kami kaya gano’n. Kaya, wala na akong magagawa dapat talagang sumunod sa nakatataas.

OA ako kaninang flag ceremony. Kasi naman Sir, nakita kita! Isa ka sa mga opisyal na nag-raise ng flag. Habang kinakanta ko ang Lupang Hinirang. Imbes na sa flag ako tumingin, sa’yo nakapako ang buong atensyon ko.

Sinundot pa nga ni Lizzy ang tagiliran ko kanina. Habang si Jireh naman ay ginalaw-galaw pa ang kilay nito na parang nanunukso. Eh, may alam na kasi ang dalawang iyon. Alam nilang crush kita. Wala eh, halata ako kapag may crush ako sa isang tao. Ewan ko ba sa kanila — sa akin. Basta, ‘yon na ‘yon.

Ang akala ko nga kanina ay malalaman ko na kung ano ang kurso mo. ‘Yon pala hindi. Paano ko naman malalaman eh, naka-battle dress attire ka kanina? Masaklap, ‘di ba?

Hays. Kulang pa talaga ang impormasyon ko tungkol sa’yo. Naku Sir, hayaan mo na akong maging stalker. Ay hindi. Hindi pala stalker. Hindi magandang pakinggan. Mas maganda ang imbestigador. Tama, ‘yon nga.

Hayaan mo na akong maging imbestigador, Sir.

Sini-swerte,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon