Letter #21

52 9 0
                                    

August 23, 2015

Dear Sir Arellano,

Nalalapit na naman ang “Presentation of Escorts & Sponsors” at ito ay magsisimula ngayong September 7. Dahil nalalapit na talaga ito, gisadong-gisado talaga kaming mga kadete sa field. Kahit mukha na kaming uling... ayos lang. Sabi pa nga ng corp commander namin, kailangan naming magpakitang gilas sa araw ng September 7. Jusko Sir, ngayon pa lang, pagod na pagod na ako sa kaka-martsa sa oval.

Ang hapdi-hapdi na ng balat ko. Para akong nasusunog sa ilalim nang sikat ng araw. Buti pa kayong mga opisyal, balot na balot. Samantala, kami naman ay naka-white shirt, white shoes, at long pants. Pasensya na talaga Sir kung mukha akong nagrereklamo, pagod na pagod lang talaga ako.

Halos apat na oras akong nakabilad sa araw kanina. Akala ko nga hindi na ako makikita ng mga magulang ko, eh. Baka akalain nila na lumilitaw ang white t-shirt ko. Hahaha. Joke lang ‘yon, Sir. Tumawa ka naman.

Whole day kanina. Kaya, mukha na akong sunog na liempo. Oo, liempo talaga. Pasensya na ulit paborito ko kasi ang liempo, eh.

Ibang opisyal na naman ang nag-handle sa amin kanina. Ba’t ba kasi lagi kang nasa Charlie? Sir, maligaw ka naman minsan sa platoon namin, oh! Gusto ko ikaw ‘yong nagtuturo sa amin ng rifle drills. Naks Sir, nakita kaya kita kanina. Snappy as always.

Kamusta naman ako, mukha akong lousy kanina. Hindi kasi ako naka-focus sa platoon leader namin, eh. Nasa iyo kaya ang atensyon ko kanina. Buti na nga lang at hindi ako nahahalata ng platoon leader namin, ‘pag nagkataon, punishment ang aabutin ko. Pero, ayoko na! Mas lalong sumasakit ang mga tuhod ko. Para akong matanda kapag nananakit ang mga tuhod ko. Hirap kasi akong maglakad. Pakiramdam ko pinalo ako ng dos por dos.

At saka, may hindi pa pala ako natatapos Sir, iyong Oplan: Alamin kung sino si Joren Arellano.  Nakakainis naman kasi ang nahanap kong picture do’n sa profile niya, eh. Masyadong blurred! Hindi ko maklaro kung ikaw ba talaga ‘yon. Pero, may feeling talaga ako na ikaw ‘yon.

Wala lang naman. Feeling lang naman, Sir. Hayaan mo na.

Sige Sir, good night. May pasok pa kasi ako bukas, eh. Ayokong mahuli.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon