Letter #20

57 9 0
                                    

August 19, 2015

Dear Sir Arellano,

Pagkauwi ko ng bahay kanina ay mabilis kong ni-search ang pangalan na Joren Arellano sa facebook. Hindi ko kasi na-search kagabi kasi tinamaan ako ng sakit na katamaran. Dapat nga kasi ay itatanong ko kay Kuya Allen kanina kung may kilala ba siyan Joren Arellano, kaya lang hindi ko na lang itinuloy. Tatadtarin na naman kasi ako no'n ng mga tanong. Wala na siyang magagawa Sir, kailangan ko lang talagang makilala ka.

Pagkatapos kong i-search ang Joren Arellano ay maraming lumabas na pangalan. Ngunit ang iba doon ay hindi naman ikaw. Kung titignan mo kasi sa profile picture nila, malamang talaga hindi ikaw ‘yon. May iba do’n na puro anime character ang profile picture. Paano naman kita mahahanap do’n?

Ang ginawa ko ay isa-isa kong ni-open ang mga account na may mga anime character. Ang iba ay hindi ikaw. Ngunit, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Ako pa ba, Sir? Hindi ako natitinag sa mga ganito, ‘no!

Ni-open ko ang isang account na may anime character na si Rukawa ng Slam Dunk. Sobra akong natuwa ng makita ko ang pangalan ng school natin sa timeline mo. Scroll down ako nang scroll down. Wala kang mga bagong post. At saka, wala rin do’n ‘yong picture mo. Nagdududa tuloy ako. Ikaw ba talaga si Joren Arellano, Sir? Baka naman ka-apelyido mo lang ang lalaking iyon. Nakakapanghina tuloy ng loob.

Ngunit, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Naghanap pa rin ako ng ibang mga picture kahit puro mga anime character ang nasa may photos mo. Ang adik naman sa anime ng Joren Arellano na ‘yon, Sir.

Naligaw ako sa isang album ng mga profile pictures. Karamihan do’n ay mga anime na naman. Ngunit, may isang picture do’n na medyo blurred. Na-post iyon noong year 2013 pa. Ang sobrang labo, Sir! Hindi klaro ang mukha ngunit, may pagkakahawig naman ng konti sa’yo.

Tinignan ko ang mga comments baka may nag-comment na isang ROTC officer. Saklap, walang mga comment. Puro likes lang na umabot ng 80.

Mukhang hindi active sa facebook ang Joren Arellano na ito. Ngunit, hindi talaga ako magpapatinag. Kailangan kong malaman Sir kung ikaw ba si Joren Arellano.

Nagmamahal,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon