Letter #10

97 9 0
                                    

July 4, 2015

Dear Sir Arellano,

Jusko, ‘di na talaga ako makapaghintay. Sinasabi ko ulit, sunday is ROTC day! Yehey! Pinagtri-tripan pa nga ako nina Lizzy at Jireh kahapon dahil sa wakas daw at makikita na ulit kita.

Alam mo Sir, nakakabakla mang isipin pero, nami-miss na talaga kita. Oo, totoo ‘yon. Walang halong biro. Gusto kong nakikita ka araw-araw. Pero sa kasamaang palad ay hindi pa 'yon nangyayari. Okay lang ulit, Sir. Bukas naman ay makikita na kita.

Pinapanalangin ko lang na sana ay hindi na ako ma-late baka ikaw pa ang mag-handle sa mga kadeteng laging nahuhuli sa formation. Hanggang ngayon Sir, hindi ko pa rin ‘yon nakakalimutan. Masakit sa bangs kahit wala ako no’n.

Okay lang ulit Sir hindi mo naman kasi ako kilala, eh. Hashtag sad truth. Hashtag sad life. Wala akong magagawa. Ganyan talaga ang buhay ng mga katulad kong ilusyonada. Joke lang Sir, ah.

Teka, nine-thirty na pala ng gabi. Sir, good night na. Ayokong mahuli bukas. Hanggang ngayon pa rin masakit pa rin ang mga tuhod ko. Mas nadagdagan pa dahil sa subject naming DefTac.

Good night, Sir! See you tomorrow.

Nagmamahal (char),
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon