Letter #14

70 11 1
                                    

July 20, 2015

Dear Sir Arellano,

Inggit na inggit talaga ako kanina kay Melanie, kaklase ko. Ni-kwento kasi niya sa akin na nagkausap daw kayo. Alam kong inaasar lang ako no’n. May alam na kasi ‘yon tungkol sa paghanga ko sa’yo. ‘Yong dalawang kaibigan ko naman na sina Jireh at Lizzy ay panay ang sabi sa akin ng kawawa naman

Mga walang hiya talaga sila, Sir. 

Kasi naman, isa rin ‘yon sa mga pangarap ko. Iyong makausap kita. Na-i-imagine ko pa lang ay parang nasa alapaap na ako. For sure Sir, kakanta talaga lahat ng mga anghel sa langit. Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa doon? Ang makausap kita Sir, naku, feeling ko ako na ang pinaka-masayang babae sa mundo. Para na akong nanalo ng lotto. Sana talaga mangyari ‘yan. Maghihintay ako para diyan.

Tinanong ko kanina si Melanie kung ano ang napag-usapan niyo. Sabi niya sa akin, nagtanong ka raw kung ano ang kurso niya. Sir, ah! Nakakaselos talaga. Buti pa si Melanie kinausap mo kahit kahapon mo lang nakilala. Samantala ako, nakilala mo, inalok mo ng tubig, na-punish mo — heto at nga-nga pa rin ako. Ang bilis mo akong nakalimutan. Huwag gano’n, Sir. Masakit sa puso.

Pero, hanggang ngayon ay malakas pa rin ang fighting spirit ko. Who knows? Baka may pag-asa tayong dalawa.

Joke lang, Sir.

Naku, buti na lang talaga at hindi mo nababasa itong mga sinusulat ko. ‘Pag nagkataon talaga, mukhang mapapadali ang pagpunta ko ng langit. Nakakahiya naman kasi Sir ang mga pinagsususulat ko. Jusko. Kailangan ko talagang itago ng mabuti lahat ng mga sulat ko sa’yo.

Huwag kang mag-alala, Sir. Kahit mapahiya pa ako sa harapan mo... crush pa rin kita. Ayieee.

Nababaliw na yata,
Mary

Love, MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon