PROLOGUE

99.7K 1.8K 68
                                    

Prologue

"WHERE ARE we going daddy?." Inosenteng tanong ng limang taong gulang na anak ni Lucas sa kanya. Nasa airport sila ng NAIA at hinihintay nalang ang magsusundo sa kanila. "Are we visiting, mamina and lolo?." Nakaupo ito sa kanyang personal wheelchair habang hawak ang manika nito.

Tumango siya saka ngumiti. "Yes, Princess. We will visit them and we'll visit some other places." Sagot niya. Ayaw niyang sabihin na tutungo sila ng ospital. At kung papayag lang sana ang doktor na manggagamot sa anak niya ay sa bahay nalang ng kanyang mga magulang nila isagawa ang operasyon.

Ayaw niyang mapalayo sa anak kung i-aadmit ito doon. He wants her princess beside him. Her daughter suffers from a brain tumor. Maliit palang ang bukol nito pero gusto niyang maalis na ang bukol na iyon para hindi na lumaki pa.

Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang lumipad pa patungong pilipinas para lang magamot ang anak niya dahil magagaling din naman ang doktor sa amerika. Ang kasu ay hindi nila mahawakan ang anak niya dahil bukod sa brain tumor ay mahina rin ang baga nito. Nasa pinakamaselang parte rin ng utak ang bukol kaya hindi maisagawa ang operasyon sa anak.

Natatakot ang mga ito na baka magkamali at hindi mailigtas ang anak niya. Maraming doktor na ang dumaan sa anak niya, pero lahat ng mga ito ay na hawakan ang anak.

"Like where, daddy?. Kay mommy?." Natigilan siya sa tanong nito saka marahas na umiling.

"No baby. Mommy is busy." He lied. Hindi na babalik pa ang ina nito. Sumama na ito sa ibang lalaki. Sa lalaking mas mahal nito at iniwan lang sa kanya ang anak niya. Ayos lang naman iyon sa kanya, ang mahalaga ay sa kanya ang anak niya.

He only wants her daughter and he has no plan of entering another relationship, not until a lot of women reject him for having a child. Ang rason ng mga ito ay 'kesyu, ayaw daw nilang magkaroon ng responsibilidad lalo na sa may sakit.

Para sa kanya na ama ng bata ay masakit marinig ang bagay na iyon. Nasasaktan siya para sa anak na wala pa namang kaalam-alam sa mundo. Her daughter was just an innocent child. Pero sinasaktan na nila ito sa masasakit na salita.

Kaya mas pinili niyang isantabi ang sariling kapakanan para sa anak na mas kailangan ang atensyon niya at kalinga.

"Then I am not going if it's not the place of mommy!." Umiiyak nitong sabi.

He sighed then he wiped her tears. "Is daddy not enough for you?."

Bumaling ito sa kanya. "Ofcourse you are, daddy. I just want to feel the feeling of having a mommy." Nakatingin ito sa kanyang mga mata.

Nag-iwas siya nang tingin sa anak para hindi nito makitang nasasaktan siya para rito.

"After Mamina, can we meet mommy?. Please?." Nagmamakaawa ang tinig nito.

"O-Ofcourse, Princess."

"Yehey!." Magiliw na sambit nito saka siya niyakap. "I love you, daddy!."

Niyakap niya ng mahigpit ang anak saka hinalikan sa nuo. "I love you, Princess."

"Mamina!." Kumalas ang anak niya nang makita nito ang lola niya.

"How are you, my Princess?." Tanong ng ginang sa bata.

Tinuro nito ang ulo niya. "It's still hurt." Nakanguso nitong sagot.

Bumaling sa kanya ang ina. "Are you ready to meet this doctor you're talking about?."

Tumango siya. "And I want it, as soon as posible mom."

"CONGRATULATION, both of you." Bati sa kanila ni director Santos matapos ang debate laban sa kalabang ospital. After a boring debate against thier rival hospitals, they won again. "Kayong magkapatid ang lucky charm ng ospital na ito."

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon