CHAPTER SIXTEEN

44.6K 1.2K 10
                                    

Chapter 16

PANSIN NI SERA ANG pagiging alisto ni Nathalie at Roxanne sa tuwing may mga taong lumalapit sa lolo nila. Ang mga mata ay pawang nanunuri. Bawat galaw ay sinusubaybayan ng dalawa. Lalo na ng medyo may bata-batang pamilya ang lumapit sa lolo nila.

Nagpakilala ang dalawa na mag-asawang sina mr. Diego Santillan at ang maybahay niyang si Anita Santillan kasama ang ipinakilala rin nilang anak. Ang mga ito ay isa rin sa may malalaking kompanya at isa ang lolo nila sa shareholders ng mga ito.

Siya naman ay walang ginawa kundi ang bumuntong-hininga na lamang habang pinapanood niya ang dalawa. Nang mairita siya ay lumapit siya kay Nathalie para bumulong.

"Huwag kayong masyadong oa." Bulong niya dahilan para lingunin siya ng pinsan."Hindi naman siguro sila tanga para gumawa dito ng masama. Kung ako sila, dapat--" napahinto siya nang may isang waiter na sumingit sa pagitan nilang dalawa at nagsalin ng tubig sa baso ng lolo niya.

"I'm sorry," anito.

Sinenyasan lang niya ito na umalis na saka muling bumaling sa pinsan.

"You were saying?."

"Kung ako sila, hindi ako pupunta sa mataong lugar." Sagot niya saka bumaling sa lolo na masayang nakikipag-kwentuhan sa pamilya Santillan. "If I were them, I'd go to the place where there's no people at all. Kung meron man iyong madaling, makakagawa ng krimen."

Doon na bumaling ang pinsan niyang si Roxanne sa kanya. "And?.."

"The question is.. sino sa atin?." She meant it as a joke. Pero dahil hindi niya ugali ang magbiro, mukhang sineryoso ng mga pinsan niya ang mga sinabi niya dahil bumalatay sa kanila ang takot at pangamba. She laughed. "I was just joking."

Nathalie rolled her eyes at her. "This is serious." Mariin nitong wika. "Mas mabuti na ang sigurado, maging handa kung sakaling--"

"Edi sana nagsundalo nalang kayo." Sambit niya saka bumaling sa lolo at mga kausap nito.

"You have a very beautiful grand daughter don. Serio." Ani mr. Santillan na hindi nalalayo ang edad sa ama ng pinsang niyang si Roxanne. "You sure are have a lot to brag."

Her grandfather chuckled. "Yes, I do have a lot. Kung hindi mo naitatanong, they are all professionals. Lahat ng mga apo ko ay talagang maipagmamalaki ko." Saad ng kanyang lolo. "Though, I have one that's very rebellious."

"I hope you don't mind, don Serio." Singit naman ng anak ng mga ito. "But can you introduce me to one of them?."

Bumaling siya sa lalaking nagsalita at kumunot ang nuo niya nang makitang sa kanya ito nakatingin. Nakikita niya ang paghanga sa mga mata nito.

Nathalie whistled while Roxanne chuckled dahilan para pukulin niya ang mga ito ng masamang tingin.

"I see." Tatango tangong sambit ng kanyang lolo. "Sera here is a doctor, Miguel. She is a validectorian in her batch in highschool, and a Suma Cum Laude in college. Hindi pa man nakakapagtapos si Sera ay marami ng ospital ang gusto siyang kunin. But in the end, sa ospital na ipinatayo ko siya nagtrabaho." Pagmamalaking saad ng lolo.

Namamanghang bumaling sa kanya ang nag-ngangalang Miguel. Gano'n din ang mga magulang nito.

"Really?, wow." Sambit ng ginoo. "My son, Miguel here is smart too. Pero hindi kasing talino ng apo mo. May mga natatanggap namang parangal, pero hindi katulad ng sa apo mo don Serio. You must be lucky to have a grand daughter that smart as Sera."

"Ah, yes. The other one Eros is one of my two grandson, he is smart too. Sumunod lang siya kay Sera." Pagmamayabang na saad ng lolo niya. "All of may grandchild are smart. Walang hindi nabiyayaan ng katalinuhan."

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon