CHAPTER SEVENTEEN

44.8K 1.1K 13
                                    

Chapter 17

NAPAKURAP-KURAP SI Sera nang pagbukas niya ng maliit na pinto ng kanyang gate ay bumungad sa kanya ang kapatid na si Eros. At hindi niya inaasahang kasama nito ang mag-amang sina Lucas at Princess.

Lihim siyang napamura nang makita ang bata na buhat ni Lucas. Nakalimutan niyang dapat ay kasama siya ng mga ito sa ospital. Kung hindi lang dahil sa kapatid na si Celeste at Alexa ngayon ay nasa loob ng bahay niya.

Pinagmasdan niya ang walang malay na bata, malamang ay epekto narin ng chemotherapy. Natigilan siya ng makita ang madilim na tingin ni Lucas sa kanya.

Nag-iwas nalang siya ng tingin at humarap sa kapatid. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin.

"Dalhin mo muna si Lucas at ang bata sa kwarto." Utos nito sa kanya. "And then come down and we'll talk."

Tumango siya. "Alexa and Celeste are inside." Imporma niya saka muling bumaling sa binata. Madilim man ang tingin ay sinalubong niya ito. "Follow me." Sambit niya saka siya tumalikod at nagpaunang maglakad papasok.

Dahil nasa loob ang dalawang kapatid ay inaasahan na niya na makikita ng mga ito si Lucas at Princess. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang takot pero ng makita ang mag-ama ay biglang napuno iyon ng katanungan.

Hindi nalang niya pinansin ang dalawa at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa ikalawang palapag ng kanyang bahay.

Tinungo niya ang left wing kung saan mayroon isang silid. Kaagad niyang binuksan ang pinto, niluwagan para makapasok ang dalawa.

"Kid stuff?." Takang tanong ng binata. "Nieces--"

"This are all mine." Pigil niya rito. "This are my old stuff. She can used it."

That room are full of her childhood stuff. Ang lolo niya ang mismong nag-utos na doon ilagay ang mga gamit niya noong bata pa siya. Tulad nalang ng mga manika niya, stuff toys, toy house at iyong mga kitchen toys ay naroon.
Hindi rin mawawala ang mga luma niyang damit at mga gamit na itinambak doon. Ayaw kasi ng lolo niya na ipamigay ang mga iyon dahil maraming alaala ang mga iyon sa kanya na ayaw nitong pakawalan. Kung anuman iyon ay hindi niya alam.

Maayos din naman ang kwarto, hindi madumi dahil tuwing linggo ay nagpapadala ng kasambahay ang lolo niya para linisin ang buong bahay niya.

"It's clean. Lahat ng iyan ay pinapalabahan ko, tuwing linggo." Aniya saka inayos ang kama para mailapag na ang bata. "You can put her now."

Kaagad namang sinunod ng binata ang utos niya. Naglakad ito palapit sa kama at maingat na ibinaba ang bata pagkatapos ay saka nito kinumutan.

"How's the chemo?."

"Good." Walang emosyong sagot ng binata. "Your brother is good." Wika nito saka bumaling sa kanya. "He took really good care of Princess. And he also keeps his promise, that's why we're here."

She heaved a sigh. Alam na niya kung ano ang pinupunto ng binata. "Look, pupunta naman sana ako--"

"Hindi paliwanag ang gustong marinig mula sa'yo, Sera."pigil nito sa kanya. "Wala naman kaming karapatang hiningiin ang paliwanag mo. We are just your patient after all. Ang gusto kong marinig ay ang salitang "I'm sorry" mula sa'yo."

She blinked two times and laughed sarcastically. "Edi mas lalong wala kang karapatang hingiin iyon. Lucas, mahirap ang pinapagawa mo sa akin."

"Gano'n na lang ba iyon?. Pagkatapos mong mangako sa anak ko at hindi tuparin, ayaw mong humingi ng tawad sa kanya?." anito na nakatiim na ang bagang ang mga mata nito ay matalim na nakatingin sa kanya. "You should've seen her face!. She was waiting for you!. Hinihintay ka niya sa labas, pero hindi ka dumating! Pinaasa mo ang anak ko!."

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon