CHAPTER FOUR

46.7K 1.3K 18
                                    

Chapter 4

"ANONG SABI NG doctor?." Tanong ng ina niya nang pumasok siya sa kwartong gamit  ng anak niya.

Hindi niya ito sinagot dahil maging siya, ayaw niyang tanggapin sa sarili niya ang kalagayan ng anak niya. The doctor said that the tumor got bigger. Kaya ito nag-collapse--no, according to doctor she's having a seizures, at normal lang daw iyon sa mga may brain tumor. It may be related to cell around the tumour that have developed abnormally. Or they may be due to an imbalance of chemicals in the brain caused by the tumor.

At hindi na ito dapat ipag-salawalang bahala lang dahil anumang-oras baka bumigay ang anak niya lalo na ngayong may lung failure pa ang anak. Baka ito pa raw ang unang bumigay kaysa sa utak.

At kailangan na nila itong maoperahan kaagad dahil kung hindi ay magpapatuloy ang epilepsy ng anak.

Nilapitan niya ang anak niya na walang malay habang nakahiga sa hospital bed saka hinaplos ang nuo nito. Hindi niya napigilang umiyak dahil sa takot na baka nga iwan siya ng anak.

Hindi niya kayang mawala ang anak niya sa kanya. Ikamamatay niya kung mawawala ang anak niya sa kanya.

"Anak," bulong niya sa walang malay na anak. "D-Don't leave daddy.. okay?. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka. Ikaw na ang buhay ko. Mahal na mahal ka ni daddy, Princess." Saka niya hinalikan ang noo ng anak. "P-Please, lumaban ka pa, anak." Naramdaman niya ang paghaplos ng kamay ng kanyang ina sa likod niya.

Humarap siya rito para yakapin at tinugon naman ng ina. "I don't know what to do anymore, mom. I lashed out on her. Hindi ko alam kung tatanggapin pa niya ang sorry ko." Aniya patungkol sa ginawa niya sa doktora. "I hate myself for not controlling my anger."

Ang ama niya ay lumapit narin sa kanila para damayan siya. "Everything well be okay, Lucas."

"It's okay, Lucas." Ani ng ina habang yakap siya. "I'll talk to her, pakikiusapan ko siya para sa apo ko. Stop crying, you must stay strong for your daughter."

Tumango siya bilang pagsang-ayon. Tama ang ina niya, hindi siya dapat umiyak. Kailan na maging malakas siya para sa anak.

Siya na ang kumawala sa yakap saka muling humarap sa anak. "But what about when she woke up?. Baka magwala ito kapag nakita niyang nasa ospital siya. Anong gagawin natin?." Tanong niya sa mga magulang. "What if she panicked again or freaks out?." Lumamlam ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang anak. Natatakot siyang kapag magising ito ay magwala ito at ma-trigger ang seizures nito. "I don't want to be in that scenario again. I don't want to see her cry and looked for her mom. Wala akong maipapakita sa kanya. Dahil hindi na kailanman siya tatanggapin ng mommy niya."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng mga magulang. Maging ang mga ito ay hindi alam kung ano ang gagawin kung sakaling magising ang anak bukas.

"I will find, Julia." Aniya habang nakatingin sa maamong mukha ng anak. "Ang alam ko, pagkatapos niyang iwan sa akin ang bata, umuwi siya ng pilipinas. Hahanapin ko siya at kakausapin."

"Paano kung hindi siya pumayag?." Tanong sa kanya ng ama. Batid niyang ayaw na nitong makita ang ina ng kanyang anak. "Lucas, may pamilya na si Julia. She already have a husband and children. Bakit hindi mo nalang aminin kay Princess na iniwan na siya ng kanyang ina. Inabanduna!." Ani ng kanyang ama na alam niyang galit na.

"Raul!." Saway ng ina sa ama. "Huwag kang sumigaw, baka magising ang bata."

Salubong ang kilay niyang sinalubong ang tingin ng ama. "Ano ang gusto mong gawin ko?. Tutunganga nalang ba at walang gagawin--"

"There's a lot of option, Lucas." Pigil sa kanya ng ama. "Matagal na naming sinasabi sa'yo. Pero hindi ka nakikinig at mas pinili mong magsinungaling sa anak mo."

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon