Chapter 12
"UMUWI BA SI Sera, kagabi?." Tanong ng ina ni Lucas sa kanya habang kaharap niya ang mga ito sa hapagkainan. "Hindi ko ata narinig ang kotse niya."
Pasimple niyang tiningnan ang anak na kumakain ng omelet saka bumaling sa ina. "Hindi siya umuwi, ma. Baka busy sa mga pasyente niya."
Tinanong rin siya ng anak niya kanina at gano'n din ang sinabi niya. Mukha namang naintindihan ng anak kaya hindi na ito nangulit pa.
Nakita niya ang panlulumo sa mukha ng kanyang ina. "Akala ko nandito siya. Gusto ko sana siyang yayayain mamaya."
Nangunot ang kanyang nuo. "Anong meron mamaya?."
"May family reunion tayo, sa bahay ng uncle Samuel mo. Mamayang tanghali." Sagot ng kanyang ina. "They also wants to see Princess. Gusto ko rin sanang ipakilala si Sera sa kanila, kaso, wala siya." Nakangusong saad ng ina.
Natigilan siya sa sinabi ng ina. Bakit niya gustong ipakilala ang doktora sa pamilya nila?. Ano nila?. Alangan naman ipakilala niya itong kasintahan niya kahit hindi naman.
At kung pupunta sila doon ay paniguradong makikita na naman niya ang pinsan niyang si Sonny at Jhonny, pati narin sa mga kalaro ng mga ito na walang ibang ginawa kundi ang i-bully siya.
Naalala niya nang magbakasyon siya noon sa pilipinas at sa bahay ng uncle Samuel siya tumuloy ay sa mga pinsan lang niya naranasan ang masaktan ng physical.
Hindi naman sa lampa siya, hindi lang talaga siya pumatol noon sa pinsan niya dahil una sa lahat, malaki ang katawan ng mga ito, marami sila, at higit sa lahat ay hindi siya tinuruan ng mga magulang niya na makipag-away.
Hindi niya sinumbong ang dalawa sa kanyang mga magulang kaya walang alam ang mga ito noon.
Nilingon niya ang anak at hindi niya maiwasang mag-alala para rito. Baka kasi awayin ito ng mga anak ng kanyang mga pinsan, lalo na ngayon na wala itong ina.
"Pwede bang hindi nalang kami kasama ni Princess. I want to have a father-daughter time with her." Pagdadahilan niya.
His mom shrugged. "Diba nagbonding na kayo kahapon?. Kasama si Sera at ang anak mo. Hayaan mo naman na makilala ng tito Samuel mo ang anak mo. Isa pa, gusto na daw ulit makita ng dalawa mong pinsan, aren't you excited."
Pilit siyang ngumiti. "I am excited. Yey!." 'Hear my sarcasm please.'
"Sayang at wala nga lang si Sera." Malungkot na saad ng ina. "Gusto ko sanang ipakilala siya sa kuya at ate ko."
"Ma, me and Sera are--"
"Perfect for each other." Sansala ng kanyang ama habang ngumunguya. Kakaibang kislap ang mababasa sa mga mata nito. "I like her, eventhough she has a rude attitude."
"And she is beautiful." Segunda naman ng ina. "Can you imagine how lucky you are to have her as wife."
He sighed. "Mom, hindi kami mag-asawa. Alam niyo naman ang rason kung bakit namin iyon ginawa, diba?."
"Hanggang doon lang ba ang tingin mo sa kanya?." Tanong ng ama. "Kasi kung ako ang tatanungin, she is way better from all the woman you've introduce to us.
Hindi siya nakapagsalita. Hindi siya makapaniwalang, boto ang mga magulang niya sa dalaga gayong alam naman ng mga ito na imposibleng may mamagitan sa kanila ni Sera. Ni hindi nga niya ito makausap ng matino. Lagi siya itong itinataboy sa tuwing magtatangka siyang lapitan ito.
"Do you perhaps, already fall for her?."
Tinitigan lang niya ang ina. Hindi rin siya sigurado sa nararamdaman niya. He likes her very much, pero sa tuwing maaalala niya na nagpapanggap lang sila at para lang sa anak niya ang ginagawa nito, kinakalimutan niya ang pagkagusto sa dalaga. Baka mabigo lang siya.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]
General FictionLucas Allegre lives in America for almost his whole life. Nandoon ang kompanya niya, ang pangarap niya. Pero mapipilitan siyang iwanan ang bansa at makipagsapalaran sa bansang hindi niya nakagisnan. Ang pilipinas. Kinailangan niyang pumunta sa lupa...