CHAPTER EIGHT

48.5K 1.3K 30
                                    

Chapter 8

ILANG BESES NA bumuntong-hininga si Sera habang nakahiga sa kama. Siya sa kanang bahagi, ang bata ay nasa gitna at si Lucas naman ay nasa kaliwa. Hindi siya makatulog dahil naninibago siya sa silid at lalong-lalo ng hindi siya sanay na may katabi.

Alas-dose na ng gabi, pero hindi parin niya makuha ang antok kaya naisipan niyang tumayo sa higaan at kunin ang laptop sa bag niya saka muling bumalik sa kama at paupong sumandal sa headboard ng kama.
Binuksan niya ang email niya upang alamin kung may nagsend ba sa kanya ng email.

Kumunot ang nuo niya nang makita ang email ng kapatid na si Celeste. "Really?. Fifty thousand?.'

She tsked. "Pasalamat ka, binigyan pa kita."

"Sino kausap mo?." Nilingon niya ang baritonong boses ng nagsalita. Nakatagilid ito at matamang nakatingin sa kanya. "Hindi ka rin ba makatulog?."

"Mm." Tipid niyang sambit rito. "Sino ba ang makakatulog kung may katabi ka na hindi mo naman kaano-ano?." Tanong niya rito. "Now, I regret suggesting those things. Hindi na sana ako pumayag sa sinabi ng mommy mo."

Kumunot ang noo ng binata saka bumangon at humarap sa kanya. "Si mommy ang may pakana nito?."

"She told me to pretend until she gets better. Pero hindi pa ako pumayag." Sagot niya. "But after I saw the tumor in her brain," sabi niya saka nagbaba ng tingin upang pagmasdan ang natutulog na bata."I don't know how to perform an operation with her kapag sinabi natin kaagad sa kanya na hindi ako ang nanay na. Sa totoo lang, I don't want to lie to her, ayokong lokohin ang musmos na bata. Kahit naman siguro gaano ako kasamang tao, may konsensiya parin naman ako."

"Really?." Sambit nito na parang hindi makapaniwala. "After you declined my daughter--"

Pinandilatan niya ito."Anong decline ang pinagsasabi mo diyan?." Kunot-noo niyang tanong sa binata. "For your information, hindi ko siya tinanggihan. Hindi lang ako sumang-ayon doon na operahan siya dito sa bahay niyo." Natigilan pa siya dahil medyo napalakas ang boses niya, baka magising ang batang nasa gitna nila.

"What about the things you've said to me in hallway?." Muli nitong tanong.

Nagpakawala siya ng marahas na hininga saka inis na hinarap ang binata. "That was so insensitive of me. What I've said, I said that with complete insensitivity. I was shocked by your sudden action. Noong hinila mo ako nang hindi nagpapaalam. Kahit sino, hindi magugustuhan ang ginawa mo."

Maging ito ay nagpakawala rin ng buntong-hininga. "I'm sorry. Nag-alala lang ako sa anak ko. Kaya hindi na ako nakapag-isip ng tama. You are the doctor I was looking for at masaya ako na sa wakas nakita ka na namin at mapapagaling mo na ang anak ko. Pero tinanggihan mo ako."

"Magkaiba ang tinanggihan sa hindi pumayag." Inis na saad niya rito. "Ako hindi ako pumayag sa gusto mo. Dahil imposible iyon. Kahit pumayag ako, dadaan kapa sa maraming proseso."

"Kaya nga--"

"Hep!." Pigil niya rito. Ayaw na niyang makipag-talo pa kay Lucas. Maiinis lang siya rito. "Shut up. Doon ka sa baba matulog, hindi ako makakatulog sa'yo."

Pinukol siya nito ng masamang tingin. "This is my house, doktora. Wala kang karapatang pahigain ako sa sahig. Kung gusto mo, ikaw ang matulog."

Tinaasan niya ito ng kilay. "I don't care if this is your house." Nakangising sabi niya rito saka itinuro ang sahig. "Go, sleep there." Aniya saka ipinatong ang laptop niya sa side table ng kama saka humiga at ipinikit ang mga mata.

Dinig niyang bumulong ito nang kung anu-ano.

"Kapag hindi kapa tumigil diyan, makakatikim ka sa akin ng sipa." Pananakot niya rito. "I'm a blackbelter in taekwondo, you know?."

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon