Chapter 29
"SIYA BA TALAGA ang mommy ko?." Matamlay na tanong ng anak niya. Hanggang ngayon ay hindi parin kumbinsido si Princess na si Julia ang ina.
Parang ang layo ng loob ng anak kay Julia. Kung magkasama sila ay tanging sa laruan lang naka-focus ang bata. Sasagot ang anak kapag tatanungin ni Julia. Hindi ito madaldal tulad ng lagi nitong ginagawa kapag si Sera ang kausap.
"I don't like her." Nananamlay na sambit ng anak. "Mas gusto ko si mommy Sera."
Apat na araw na ang nakalipas simula nang magising ito. Nanumbalik naman ang lakas pero hindi parin sapat para maoperahan ito.
Sera wants to make sure na malakas talaga ang anak niya bago ang operasyon. Ayaw nito na isabak ang anak kung mahina parin ang immune system nito. Sasaksakan kasi ng maraming gamot ang anak at baka daw hindi nito kayanin.
"Where is mommy Sera?." Kapagkuwa'y tanong ng anak. Simula nang malaman nitong hindi si Sera ang ina ay hindi na mommy kundi "mommy Sera" na ang tawag niya rito.
Tuloy ay hindi niya maiwasang manlumo sa tinuran ng anak. Gusto niya na tinatawag ng anak na mommy si Sera. Mas bagay pa itong maging ina kaysa kay Julia.
Speaking of Julia, where is that woman anyway?. Kahapon pa ito wala. Nagpaalam lang ito na aalis sandali pero hindi pa ito bumabalik. Hindi niya maiwasang mainis dito dahil ito lang naman ang katulong niya sa pagbabantay sa anak. Maliban sa mga magulang niya at pamilya nito na wala naman ngayon.
Gusto niyang makita si Sera pero dahil wala si Julia at walang magbabantay sa anak ay hindi niya makikita ang dalaga. Kahapon pa rin ng huli niyang makita si Sera na nasa office lang nito at inaaral ang kaso ni Princess.
Nagtatagis ang bagang niya habang pabalik balik ang tingin sa pinto. Talagang makakatikim ng sigaw sa kanya ang babae kapag hindi pa ito dumating.
"Do you love mommy Julia or mommy Sera?." Kapagkuwa'y tanong nito dahilan para matigilan siya. Mataman itong nakatingin sa kanya saka siya nito hinaplos sa pisngi. "Daddy don't be sad or lonely. I know you that you want to be happy but you can't because of me."
"Masaya naman ako sa'yo, anak." Wika niya saka masuyong hinalikan ito sa noo."Kontento ako na kasama ka. Don't think that I am not happy, dahil wala ng mas sasaya pa na maging anak kita. You are my everything, Princess."
"But not as happy as you are with mommy Sera." Wika nito saka ngumiti. "You love her, do you?."
Muli ay natigilan siya sa sinabi ng anak. Her daughter really knows how he feel at nagi-guilty siya dahil pakiramdam niya ay nasasaktan ang kanyang anak. Hindi niya magawang maging masaya dahil pakiramdam niya hindi buo ang pagkatao niya.
"Yes, Princess." Walang pag-aalinlangan niyang sagot. "I love your mommy Sera."
"That is why god give me a little more time." Saad nito pero bulong lang iyon kaya hindi niya masyadong narinig.
"What's that baby?."
"Ang sabi ko, kung mahal mo si mommy Sera, tell her already." Nakangiting sabi nito. "Sabi ng angels ko, it'll be worth it if I play cupid with you and mommy Sera. Sabi nila, I'll be like them if I do something good. And I chose to give you happiness daddy. Gusto ko, bago ako mawala sa mundo, iiwanan kita sa alam kung taong magpapasaya sa'yo."
Sa sinabi ng anak ay parang nanghina siya. Sa tono ng pananalita nito ay parang iiwan siya nito. At grabe ang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi siya handa at hindi siya papayag na mawala sa kanya ang limang taon na naging kasiyahan niya.
"I already saw my name in the book, daddy." Nakangiting wika nito. "I am now an angel. And I am gonna watch over you and mommy Sera. Please be happy."
BINABASA MO ANG
Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]
General FictionLucas Allegre lives in America for almost his whole life. Nandoon ang kompanya niya, ang pangarap niya. Pero mapipilitan siyang iwanan ang bansa at makipagsapalaran sa bansang hindi niya nakagisnan. Ang pilipinas. Kinailangan niyang pumunta sa lupa...