CHAPTER THIRTY-ONE

45.4K 1.3K 83
                                    

Chapter 31

NANG MAGISING SI Sera ay hindi na siya nagulat nang makita niya ang sariling nakahiga sa hospital bed at nasa isang kwarto. Ang una niyang nakita ay ang kapatid na si Eros na matiim na nakatingin sa kanya. Magka-krus ang kamay nito habang nakasandal sa pader. 

Dahan-dahan siyang bumangod at napangiwi nang maramdaman ang kaunting kirot sa tiyan niya.

"Are you okay now?." Tanong ng kapatid sa kanya. Mahihimigan sa boses ng kapatid na galit ito.

"Yeah." Sagot niya saka tumango. Nang maramdaman niyang wala na ang sakit na naramdaman niya ay tumayo na siya pero hawak parin niya ang tiyan. "Ilang oras akong nakatulog?."

"Two hours." Tipid na sagot ni Eros. "Wala na bang masakit sa'yo?."

Umiling siya saka nagpakawala ng marahas na buntong-hininga. "I feel much better now. Hindi katulad kanina, parang hinihiwa ang tiyan ko. Why?."

"Good. Dahil may pag-uusapan tayo." Anito saka humakbang palapit sa kanya.

"About what?." Kunot-noong tanong niya. "Kay Princess ba?." Kaagad siyang tumayo nang maalala ang huli nilang pag-uusap nilang dalawa ni Lucas. Nagdesisyon ito na ipagpaliban nalang ang operasyon ng bata. Hindi tuloy niya maiwasang mag-alala para sa bata. "Pilitin mo si Lucas na operahan ang bata bukas. Eros, gusto niyang ipagpaliban ang operasyon ni--"

"Let's talk about you."

Lalong lumalim ang gatla ng pagkaka-kunot ng noo niya sa tinuran nito. "What about me?. Maayos naman ako."

"Did you know, how stressful and shock I was when I found out about Saiden's pregnancy?."

Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwalang tumitig sa kapatid. "Saiden is pregnant?," Nagulat siya sa hindi inaasahang balita ni Eros sa kanya. Then she remembered that they got blood sample and run some test from Saiden at si doktor Uy na ang nagpasa sa laboratory. Kung gano'n ay isa iyon sa resulta nito ng laboratory test na ginawa nila.

Pero nagtataka siya dahil hindi naman ito konektado sa kanya. "Then we are not talking about me..." Naiwan sa hangin ang dapat sana ay sasabihin niya nang may pumasok sa isip niya. "Am I?."

"Iyon ang dahilan kung bakit sumakit ang tiyan mo."

"Ok lang ba siya?."

"The baby is ok. It's a goodthing na malakas ang kapit nila sa sinapupunan mo. Too strong for a three weeks fetus. But that doesn't mean, you don't have to take care of your body. Iwasan mo ang makakapag-pa-stress sa'yo. Bagay man o tao. Kung maaari lang, iwasan mo rin sila Julia." Tiim bagang at matalim ang tingin ng kapatid niya sa kanya. "So that make sense. Your moodswings, you're vomitting your nausea losing your appetite and that fucking milkshake na bibilhin ko pero hindi mo naman iinumin, titigan mo lang. Fuck Sera, you're pregnant!. And it's not just one, but two!. You are carrying two in your womb!. That is more shocking to me!. Alam mo ba na muntik na akong mahimatay sa hallway habang binabasa ko ang result mo!. Kinailangan ko pang umupo para lang hindi mangyari iyon."

Hindi na siya nagulat sa balitang buntis siya pero nagulat siya dahil dalawa ang nasa sinapupunan niya at lalong lalo na ang paghi-histerika ng kapatid niya. Nasa lahi na nila ang pagkakaroon ng kambal na namana nila sa lola nila. May kapatid itong kambal.

"Twins, in the family, again." Namamanghang sambit ng kapatid.

Tuloy ay nilukob ng kakaibang kasiyahan ang puso niya. Hindi na niya pinansin ang kapatid niya na salita ng salita. Nakangiti niyang hinahaplos ang tiyan. For the first time in her life, she felt happy and complete. Kasi alam niyang may matatawag na siyang kanya. Hindi na niya kailangang makihati pa kay Julia.

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon