CHAPTER THIRTY-THREE

44.8K 1.3K 214
                                    

Chapter 33

"MOMMY!." Magiliw na pagtawag ng bata sa kanya nang makapasok siya sa private room kung saan ito nakalagi. "I miss you." Sambit nito saka bumango para salubungin siya ng yakap. Naroon rin si Eros na nakatayo malapit sa monitor ng bata pero hindi ito nakatingin sa kanya.

Malapad ang ngiti niya nang makalapit sa bata saka ito niyakap. "Miss na din kita."

"How come you never visit me?." Nagtatampong tanong ng bata sa kanya."I've been asking daddy to fetch you for me but he said you were busy."

"I am." She said while smiling at Princess then she poke Proncess nose. "But today I am gonna stay here with you. Hanggang sa maoperahan ka."

Hinintay nita ang magiging sagot ng bata pero wala itong narinig na tugon mula rito maliban sa mataman lang itong nakatingin sa kanya at hindi maalis ang ngiti sa labi.Bigla ay nakaramdam siya na parang may mga matang nakatitig sa kanya dahilan para mabaling siya sa sa mga taong naroon. Nagulat siya nang ang lahat nga ay nakatingin lang sa kanila ni Princess. Pansin niya ang mapupungay at namumula na mga mata ng mga ito, habang ang binata naman ay nakatungo at mababasa sa mukha nito ang lungkot.

"Mommy Julia, come here." Tawag ng bata kay Julia.

Kaagad naman na lumapit si Julia sa bata."Hey."

"Just so you know, I already forgive you."wika ni Princess kay Julia. "I just don't know how to approach you. Sanay ako na ako ang lumalapit sa iba at tinatawag silang mommy, just like mommy Sera. But you, approach me yourself. At first I really don't like you, kasi sabi ng angels ko, mommy Sera and daddy will destined to be together.

"So your angels are the cupid, huh?." Natatawang ani Julia. "Did they told you that I too, play cupid with your dad and your mommy Sera?. Evil cupid."

Naguguluhan siyang bumaling kay Julia na may ngiti sa labi habang nakatingin sa kanya.

"You think I was actually trying to steal Lucas away from you, do you?."

"You mean.." Sambit niya saka pinukol ng masamang tingin ang kapatid. "E anong drama iyon?. Iyong pagtataray mo sa akin?. Iyong mga sinasabi mo, lahat?."

Julia chuckled. "Gusto ko lang naman malaman kung hanggang saan ang kaya mong gawin para lang marealize mo na mahal mo siya." Anito at aaminin niyang hindi niya iyon inaasahan. "At gusto ko ring makabawi kay Lucas, sa lahat ng mga nagawa ko sa kanya. Noong sabihin niya sa akin lahat ng mga hirap na pinagdaanan niya sa loob ng limang taon dahil sa pag-iwan ko sa kanya, doon ko narealize na maling-mali talaga ang nagawa ko. Nakita ko ang lungkot sa mukha niya at aaminin kong na-guilty ako.

"Kaya naman, nang maramdaman kung may feelings siya sa'yo, doon ako nag-isip. I want to make him happy but when I saw you, nakikita kong naguguluhan ka sa nararamdaman mo, pero nandoon parin ang nararamdaman mo kay Lucas, I can feel it. Hindi mo magaya kasi, you're still looking back from the past, you're still holding the past. So I played my role, I played the evil sister to you. At sa tuwing nagkakasagutan tayo, doon ko nakikita na totoo ang nararamdaman mo kay Lucas. But I want to push you even more to the point that I have to harsh words to you.

"Gusto kong makabawi, hindi lang sa kanya, kundi sa'yo rin. Alam kong malaki ang kasalanan ni daddy sainyo, at kahit na hindi mo na siya mapatawad, gusto ko na maging masaya ka, kahit iyon lang. Kahit na maging masaya ka lang, ok na iyon--"

"Sa tingin mo ba, okay sa akin ang ginawa mo?." Madilim ang tingin niya sa kapatid."Alam mo bang gustong-gusto kitang sampalin o sabunutan ngayon?. Hindi mo alam kung anong klaseng stress ang binigay mo sa akin?." Nagtatagis ang bagang niyang saad rito.

"Alam ko." Sambit ni Julia na hindi mawala ang ngiti sa labi. "Kaya nga nag-dadahan dahan ako baka kasi sabunutan mo na ako. Ayoko rin kasing maalisan."

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon