Chapter 11
"SABI NI EROS, PINATAWAG mo raw ako?."walang galang niyang bungad sa direktor nang makapasok siya sa opisina nito.
Bumalik siya sa ospital pagkatapos ng family date at nang maihatid niya sa kwarto ang bata. Tinawagan siya ni Eros at pinapabalik sa ospital para raw kausapin ng direktor.
Ayaw pa sana niya itong kausapin dahil sa nalaman niya sa bwisit nitong anak. At baka kaya siya pinatawag nito ay para kausapin tungkol sa ina.
"Have a sit." Sambit nito saka iminuwestra ang visitor's chair. "I need to talk to you."
"Whatever it is, tell me now." Malamig at walang gana niyang saad. "Marami pa akong pasyente na kailangang bisitahin at ayokong magtagal dito."
Tumango ang direktor sa kanya. "Sabi sa akin ni Eros na nagkasakit ka daw, kanina."
"Lagnat lang iyon, hindi rin naman nagtagal." Sagot niya. "Iyon lang ba?."
"You've been tiring yourself, Sera. Hindi ka nagdi-day off, wala karing bakasyon. I am worried that you are overworking yourself to much."
"Huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa." Aniya sa naiiritang tono. "Tell me what do you want to say. I need to go back to my patient, director."
"I am giving you one month leave. Magbakasyon ka muna. I already signed it and the board already agreed. "Mahinahong saad nito. "Starting today."
Umawang ang labi niya at namilog ang kanyang mga mata. Anger filled her being.How dare he do that to her. Ano ang gagawin niya sa loob ng isang buwan. And two weeks from now, ooperahan na niya ang bata. May check ups din ito, and the chemotherapy.
Nagtiim ang kanyang bagang at nakuyom niya ang kanyang kama. Ang mga maya niya ay nanlilisik na nakatingin sa direktor. "Paano ang mga pasyente ko?!. May mga ooperahan ako sa susunod na araw at mga appointment ako with the other patient!. I can just leave them for this fucking one month vacation. They're more--"
"They are more important, I know. Eros will handle them while you're on your leave." pigil nito sa kanya. "You as doctor should always take care of yourself para hindi ka nagkakasakit. And this vacation might help you, don't you think?."
"Wala na akong sakit!." Galit na sambit niya. "Tell me, gumaganti kaba sa akin dahil hindi ako pumayag sa relasyon ng nanay ko?!. Is this the way of saying your revenged?!."
Umiling ito. "No, this has nothing to do with your mother." Kalmadong sagot nito. "I am doing this for your own good, Sera at pumayag naman ang kapatid mong si Eros. Dapat lang naman na bigyan kita ng bakasyon--"
"What about me?!. Tinanong niyo manlang ba ako kung kailangan ko ng bakasyon?!, kung gusto ko?!." Sigaw niya. "Basta nalang kayo nagdisesyon na hindi hinihingi ang opinyon ko!. Baka nakakalimutan mong kami ang may-ari ng ospital na ito!."
Tumaas ang dalawang kilay nito at namamanghang nakatingin sa kanya."But I am the director. I can do whatever I want, Sera." Nakangising anito saka biglang sumeryoso. "Kayo man ang may-ari, nasasaad sa protocol ng ospital na ito na kung ginusto kong magdisesyon sa isang bagay ay gagawin ko, and I can also fire you for your attitude, kahit pa magalit ka sa akin." Saad nito saka muling bumaling sa mga ginagawa. "Wala na akong sasabihin bukod doon--no, I want to give you something." Dagdag nito saka may kinuha sa isang drawer saka iniabot sa kanya. It was a small envelope.
Tiningnan lang ito ni Sera. "What is that?."
"Our wedding invitation." Sagot nito. "I will still give you one, kahit na hindi ka pumunta sa araw ng kasal, para naman hindi mo masabi na na-itsapwera ka na naman." The director heaved a sigh. "I know your against of our relationship--"
BINABASA MO ANG
Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]
General FictionLucas Allegre lives in America for almost his whole life. Nandoon ang kompanya niya, ang pangarap niya. Pero mapipilitan siyang iwanan ang bansa at makipagsapalaran sa bansang hindi niya nakagisnan. Ang pilipinas. Kinailangan niyang pumunta sa lupa...