Chaper 10
"LET'S GO THERE, MOMMY!." yaya ng kaniyang anak sa doktora nang makarating sila sa bungad palang ng mall. Masaya niyang pinagmamasdan ang dalawa habang hila-hila ng bata ang dalaga.
Para silang larawan ng isang masaya at buong pamilya. May ama, may ina at may anak. Kakaibang tuwa ang lumukob sa buo niyang pagkatao ngunit agad ding nawala ng maalalang nagpapanggap lang pala sila para sa anak.
Gayunpaman ay isinantabi muna niya ang bagay na iyon. Sa ngayon ay isang buong pamilya muna sila.
Hihinto siya sa tuwing hihinto ang dalawa at papasok sa isang boutique, papanuorin niya ang mga ito na mamili ng mga damit at kung anu-ano. Hindi man nakangiti ay alam niyang nag-eenjoy si Sera sa ginagawa nito kasama ang kanyang anak.
Pagkatapos mamili ay aakyat naman sila sa ikalawa o ikatlong palapag ng mall.
"Daddy, mommy, can we go to the arcade?." Yaya ng anak nang makita ang napakaingay na palaruan sa mall. "Pretty please." As usual his daughter wear a cute puppy face. Nagpapaawa ito sa kanila. And damn, it's effective.
"Sure, baby." Tugon niya sa anak.
Kaagad naman itong tumakbo papasok at susundan niya sana anak nang mapansing nakatayo lang si Sera sa labas ng arcade.
"Come on." Yaya niya rito.
Marahas na umiling ang dalaga. "Kayo nalang, hintayin ko nalang kayo sa coffee shop sa labas."
He sighed. "We're having a family date, remember?. Hindi pwedeng hindi ka kasama. Hahanapin ka niya."
"But I hate noises." Salubong ang kilay nito na tumingin sa loob ng arcade. "Go, follow your daughter inside."
Imbes na makinig ay kaagad siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay nito saka hinila papasok.
"Ayoko sabi e!." Nagpumiglas pa ito pero kalaunan ay nagparaya narin ng makapasok na sila.
"Mommy!." Sigaw ng anak niya na niyayaya ang dalaga patungo sa kung saan.
"Puntahan mo na, susunod ako." Sabi niya rito saka pumunta sa counter ng arcade at nagpapalit ng token para makapag-laro sila.Habang pinapapalit niya ng token ang pera niya ay pinapanood niya ang dalawa na magkasama sa isang palaruan. At kaagad na nagtagis ang bagang niya at nagdilim ang paningin ng may makitang dalawang lalaki na lumapit sa dalaga. Abala ang anak na nakasakay sa isang maliit na sasakyan.
Mababasa sa mukha ni Sera ang iritasyon sa dalawa. Dahil sa ingay ay hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng mga ito sa dalaga.
"Babalik ako." Wika niya sa lalaki na nasa counter saka naglakad palapit sa anak at sa doktora.
"Can we have your number, atleast?." Anang matangkad na lalaki. Mukha na itong nasa edad trenta, kulay brown ang buhok at may hikaw, mukha itong adik. Ganoon din ang isa pero may mga tattoo ito sa braso at leeg.
"No." Malamig na tugon ng dalaga. "I'm with my daughter, and I don't want her to think that I am cheating on her father."
Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib sa narinig. Kahit na maingay at malakas ang sigawan ng mga taong nasa arcade ay dinig na dinig niya ang tibok ng kanyang puso.
"So, you're married, huh?," the man chuckled and he saw how he looked at Sera. Nakita niya kung paano bumalatay sa mukha nito matinding pagnanasa. "Your husband must be lucky to have you in bed. I bet you can make him cum multiple times." Anito
"And I bet that your moan is beautiful as you are, honey." Segunda naman ng isa pang lalaki na may iba't ibang tattoo sa katawan.
Akmang hahawakan ang dalaga sa bewang nang kaagad niya itong hapitin palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]
General FictionLucas Allegre lives in America for almost his whole life. Nandoon ang kompanya niya, ang pangarap niya. Pero mapipilitan siyang iwanan ang bansa at makipagsapalaran sa bansang hindi niya nakagisnan. Ang pilipinas. Kinailangan niyang pumunta sa lupa...