Chapter 9
"KAPAG MAY NAG-HANAP sa akin, sabihin mong masama ang pakiramdam ko." Sabi niya sa sekretarya niya pagpasok niya sa loob ng opisina. "Huwag kang magpapasok kahit na sino."
"Yes, doktora."
Tumango siya at naglakad papasok sa pinaka-opisina niya at bagsak-balikat siyang umupo na si Sera sa mahabang sofa habang hinihilot ang balikat niya. Kanina pa niya nararamdaman ang masakit niyang katawan, simula ng bisitahin niya ang pasyente. Para rin siyang nanghihina at masakit ang ulo niya.
Hinipo niya ang kanyang noo at napamura nalang siya nang maramdamang mainit ang kanyang noo. Mukhang lalagnatin ata siya.
Nagpakawala siya ng marahas na buntong-hininga saka humiga sa mahabang sofa at ipinikit ang kanyang mga mata.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto, at wala siyang lakas para tingnan kung sinuman ang pumasok. She badly need to rest her body.
"Sera, I have--" Eros paused as soon as he saw her laying on the sofa. Dinig niya ang papalapit nitong yabag. "What happen to you?." Mahihimigan sa boses nito ang pag-aalala. "Bakit ka may bukol sa noo?. And you look pale, Sera. Ayos ka lang?."
"Mmm." Naiusal nalang niya. Wala siyang gana na magsalita pa.
Hinipo nito ang kanyang noo. "Fuck!, you're burning!." Kaagad siya nitong nilapitan at akmang papangkuin siya nito nang pigilan niya ito. "Sera, kailan mong i-confine. Ang taas ng lagnat mo."
"Hindi ko ito ikamamatay, Eros."
Eros tsked. "Stubborn." Inis na sambit. "Wait, here. I'll come back."
Tumango lang siya. Narinig niya mula ang yabag nito papalayo at ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Ilang minuto lang ang nakalipas ng bumalik ito.
"Kumain ka muna, para makainom ka ng gamot." Wika nito saka siya maingat na pinaupo. "Geez, Sera. Bakit mo pinapabayaan ang sarili mo. Doktor ka na nga pero napapabayaan mo pa rin ang sarili mo. Ayan tuloy, inaapoy ka ng lagnat." Sermon nito habang tinatanggal ang suot niyang labcoat.
"Mmm." Impit na ungol lang ang itinugon niya rito.
Nang matanggal nito ang suot niyang labcoat ay saka siya nito pinunasan sa noo, pisngi, leeg, braso at kamay niya. Halos mapaso ang katawan niya nang maramdaman ang lamig ng towel na pinupunas nito.
Lihim siyang napangiti sa ginawang pag-aalaga sa kanya ni Eros. Kahit lagi silang nag-aaway at may mga bagay na hindi sila napag-kakasunduan, sa huli, nangingibabaw parin ang pagiging magkapatid nila.
Sinunod niya ang utos nito na kumain siya at uminom ng gamot. Pagkatapos ay muli siya nitong pinahiga sa mahabang sofa. Kahit papaano ay nakaramdam narin siya ng ginhawa. All thanks to her twin brother.
Ang inaasahan niya ay aalis na ito pagkatapos siyang alagaan. Sa halip ay umupo pa ito at ipinatong sa binti nito ang kanyang kanyang ulo.
"Wala kabang pasyente?." Tanong niya. "Umalis kana kung meron, ayokong abalahin ka."
Eros tsked. "You are more important to me, Sera. Always remember that. We are twins."
She snorted. "Kapag ba hindi mo ba ako kakambal, hindi mo na ako aalagaan?."
"Pwede ba iyon?." Asik nito. "Matulog ka na nga, babantayan kita." Dagdag pa ng kapatid saka hinaplos ang kanyang buhok.
Mahina siyang natawa. "Anong nakain mo at nanlalambing ka?."
"Lagi naman akong ganito sa'yo, diba?." Anito habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok. "Noong mga bata tayo, I was always your knight and shining armor and you're always the princess."
BINABASA MO ANG
Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]
General FictionLucas Allegre lives in America for almost his whole life. Nandoon ang kompanya niya, ang pangarap niya. Pero mapipilitan siyang iwanan ang bansa at makipagsapalaran sa bansang hindi niya nakagisnan. Ang pilipinas. Kinailangan niyang pumunta sa lupa...