CHAPTER THIRTY-FOUR

46.1K 1.3K 61
                                    

Chapter 34

"CONDOLENCE." PAKIKIRAMAY ng kaibigan niyang si Aquarius nang dumating ito sa Saint James Chapel kung saan nakaratay ang labi ng anak. Hindi na siya nagulat ng makita ang iba pa nitong mga kaibigan na nag-abot din sa kanya ng pakikiramay.

Nakasuot ang mga ito ng itim na tuxedo. Wala sa mga mukha ng mga ito ang ngiti na nakita at nakasanayan niya. Lahat ay malungkot at nakikiramay sa pagkawala ng anak.

"Salamat." Sambit niya sa mga ito. "Upo muna kayo,"

"Pwebe ba namin siyang tingnan?." Ani Aquarius. "I want to see her."

"Ofcourse."

Tinapik siya nito sa balikat. "Thanks, buddy."

Tumango siya. Sinundan niya ng tingin ang mga kaibigan na palapit sa ataol ng anak.

Apat na araw lang ang tinakda nilang araw para sa burol ng anak, pagkatapos no'n ay ihahatid na nila ito sa huling hantungan.

Muli ay ibinalik niya ang tingin sa entrata ng chapel dahil may hinihintay siya. He is waiting for her, he needs her. Pero simula kanina nang iburol na nila ang anak niya ay hindi pa ito nagpakita sa kanya. Gabi na, pero walang paring Sera ang nagpakita sa kanya. Natatakot siya na baka galit ito sa kanya. Baka hindi na siya nito mahal.

Nagpakawala siya nang marahas na buntong-hininga saka lumingon sa mga magulang. Ang mga magulang niya ay inaasikaso ang ibang mga bisita at pamilya nila. Gano'n din si Julia, inaasikaso nito ang mga kilalang nakiramay.

"Are you okay?." Pukaw ni Aquarius sa kanya. Mataman itong nakatitig sa kanya.

He shrugged. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang ako. I'm not, bud."aniya saka yumuko para itago ang luha na pumatak sa kanyang mga mata."Para akong nawalan ng buhay at tinanggalan ng kasiyahan. I don't know if I can move on, if I can stand on my own. Hindi ganoon kadali ang tanggaping wala na ang anak ko. Ang sakit tanggapin." Nakatitig siya sa sahig kung saan nagbabagsakan ang kanyang mga luha. Ang mga mata niya ay lumalabo na dahil sa luha. Ang dibdib niya ay naninikip na, at nahihirapan narin siyang magsalita dahil parang may nakabara na sa lalamunan niya. "It hurts so much. Kung pwede ko lang hugutin ang puso ko, para hindi maramdaman ang sakit...fuck!." Hindi na niya napigilan ang mapahagulhol.

Pilitin man niyang maging malakas, hindi niya kaya. Itago man niya ang tunay na nararamdaman pero kapag may nagtanong na sa kanya kung ayos lang siya, kusang lumalabas ang nararamdaman niya.

Naramdaman niya ang paghagod ng kami ni Aquarius sa likuran niya. "I'm always here for you, buddy." Wika nito. "Kung kailangan mo ng taong masasandalan, nandito lang ako." Kahit paano ay lumuwag ang pakiramdam niya at nagpapasalamat siya sa kaibigan. Pero hindi si Aquarius ang hinihintay niyang makapagpagaan ng kalooban niya. He want Sera, no one but her.

"Thank you, Aki." Iyon nalang ang nasabi niya sa kaibigan. "I appreciate it a lot."

"Puntahan ko lang si Julia." Anito. "Tapos babalik din ako."

Tumango lang siya sa kaibigan. Gamit ang kamay ay pinunasan niya ang luha niya at muling bumaling sa pinto kung saan inaasahan niyang papasok ang dalaga.

Umangat ang dalawang kilay niya nang makita na naroon si Eros, Celeste, at Alexa.Lahat sila ay naka-itim tanda ng pakikiramay. Tipid ang naging pagngiti ni Celeste at Alexa pero mababasa parin ang lungkot sa mukha ng mga ito. Habang si Eros naman ay malungkot talaga, walang ngiti sa labi.

Inaasahan niyang naroon din ang dalaga, pero nakalapit na sila Eros sa gawi niya at lahat ay wala paring pumasok na Sera.Tumayo siya upang salubungin ang mga bagong dating.

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon