Chapter 25
"DRA, NARITO PO si dr. Eros." Imporma sa kanya ng sekretarya niya.
"Sige, papasukin mo."
Sumandal siya sa swivel chair habang hinihintay na muling bumukas ang pinto na hindi naman nagtagal at iniluwa ang kanyang kakambal na mukhang binagsakan ng langit at lupa sa hitsura.
May dala itong folder.
Napangisi siya habang pinakatitigan ang kakambal. "Mas grabe pa sa akin ang hitsura mo a." Tudyo niya rito saka siya nagbaba ng tingin sa hawak nito. "Is that the test?."
Tumango lang ang kapatid saka inilapag nito ang lab result ng bata. Kaagad niyang binuksan at binasa iyon. Kasisimula palang niyang basahin ay halos takasan na siya ng lakas.
Nag-angat siya ng tingin sa kapatid, hinuhuli niya ang mailap na tingin nito."Kailan pa ang test na ito?." Matalim ang bawat salitang binitawan niya sa kapatid. Ang kanyang mga mata ay nanlilisik pero nandoon parin ang pangamba para sa bata.
"Eros!." Sigaw niya sa kapatid ng hindi ito magsalita. "Answer me, damn it!."
"It's been two days since we run that test."sagot nito habang sinasalubong ang nanlilisik niyang tingin. "We can't do surgery to her---it's too risky."
"Bakit ngayon mo lang sinabi?!." Hindi na niya napigilan ang magtaas ng boses sa kapatid. "Bakit ka naging pabaya sa trabaho mo?!. Why didn't you tell them?!."
"It's not my job, is it?!."
"It's your job?!."
Silang dalawa ay nagpapataasan na ng boses. Kaagad niyang napuna ang tensiyon na namagitan sa kanilang magkapatid kaya naman mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata saka malalim na bumuntong hininga.
"Call them here, kailangan ko silang kausapin." Utos niya sa kapatid na kaagad namang sumunod.
Muli ay binasa niya ang nakasulat, paulit-ulit hanggang sa ma-memorya niya ang buong nakasulat. Napapamura at napapa-pikit siya sa tuwing dumadapo ang tingin niya sa ibang maseselang nakasulat. Nakakapanghina ang bawat salitang nababasa niya.
Ilang minuto lang ang binilang nang bumukas ang pinto at muli ay iniluwa nito ang kapatid si Eros at kasunod nito ang buong pamilya Dela Vega kasama ang mga Allegre.
Kanina pa niya inihanda ang sarili sa posibilidad na kasama ang ama niya sa darating, kaya naman bago pa ito makapasok ay itinago na niya ang lahat ng emosyon sa mukha niya.
"Ipinatawag mo raw kami, Sera." Wika ng ina ni Lucas sa kanya. "Meron ka bang mahalagang sasabihin?."
Hinintay pa muna niyang makaupo ang mga ito sa visitor's chair bago niya sabihin ang gustong sabihin.
Magsasalita sana siya nang bigla ay lumapit si Lucas saka siya hinila patayo at umupo ito sa kanyang swivel chair at muli ay hinila siya nito paupo sa kandungan at yumakap sa bewang niya. Napakurap at napatanga nalang siya sa biglaang ginawa nito.
Biglang kumabog ng malakas ang puso niya nang halikan ni Lucas ang batok niya saka nito isubsob ang mukha sa likuran niya na nakadagdag ng kakaibang kiliti sa kanya. Iyong pakiramdam noong nagsiping sila.
Lahat ng mga naroon ay nagulat sa ginawa ng binata. Maging si Julia ay nagulat pero lamang ang masamang tingin nito sa kanya na lihim niyang ikinatuwa.
'One point for Julia, and one point for Sera.'
Gusto niyang isatinig ang mga salitang iyon pero dahil ayaw naman talaga niya ng gulo at ayaw niyang makipag-away kay Julia ay sinabi nalang niya sa isip niya.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]
General FictionLucas Allegre lives in America for almost his whole life. Nandoon ang kompanya niya, ang pangarap niya. Pero mapipilitan siyang iwanan ang bansa at makipagsapalaran sa bansang hindi niya nakagisnan. Ang pilipinas. Kinailangan niyang pumunta sa lupa...