Chapter 19
"THANK YOU." BASAG ng binata sa katahimikang namutawi sa pagitan nilang dalawa sa loob ng sasakyan.
"For what?." Maang-maangan niyang tanong. Kahit alam naman niya kung saan ito nagpapasalamat.
She defended them from Casey harsh words. Though half of it are meant for her, hindi iyon rumihistro sa kanya. Wala naman kasi siyang pakialam kung araw araw siyang inisin ni Casey. Pero noong marinig na niya ang masasakit na salita nito sa bata ay hindi na niya napigilan ang sarili.
Para siyang bulkang sumabog sa galit kanina. Kung hindi lang dahil sa mesang pagitan nilang dalawa ni Casey ay nakapanakit na siya nang wala sa oras.
Akala pa naman niya ay aawatin siya ng lolo niya pero hindi, parang nanonood lang ito ng debate."Sa pagtatanggol sa amin kanina."
Tumaas ang dalawang kilay niya at namamanghang bumaling sa binata. Kunwaring hindi niya alam ang sinasabi nito. "Did I?." Inosenteng tanong niya saka muling bumaling sa daan. "Saan banda?. Sa pagkakaalam ko, sarili ko ang ipinagtanggol ko, hindi ikaw." She lied.
Narinig niya ang pag-ingos ng binata. "Hindi ba pwedeng mag-welcome ka nalang?."
Nangunot ang kanyang noo at muli ay tinapunan ng tingin ang binata. "You can't asked me to respond at you, Lucas. I don't do such thing."
He sighed. "Ang hirap mong kilalanin, alam mo ba iyon?."
"Then don't." Malaming niyang sambit at malamig na tumingin sa binata. "You don't have to know me, because I don't want you to. Just let us be stranger from each other."
"Hindi ginagawa ng mga stranger ang mga ginagawa natin, Sera." Inis na saad ng binata. "First of all, we slept in a same bed--"
"With your daughter in the middle." Pigil niya sa binata. "And you slept on the floor not on the bed."
He tsked. "Whatever. We slept in the same room. You meet my parents, I met yours. And we had s--"
"Don't say it!." Singhal niya rito saka tiningnan ang bata na mahimbing na natutulog. "That was a mistake, Lucas."
He chuckled sarcastically. "Kung alam mo naman palang mali, bakit nagparaya ka? Bakit mo hinayaan na angkinin kita. And take note you are virgin. Ang mga kagaya mo ay hindi basta-basta ibinibigay ang pagkababae nila, sa "stranger"." He said and qouted the word stranger.
Hindi siya umimik.
"Ano ba talaga ang totoong ikaw?." Kapagkuwa'y tanong nito. "Your mom said, you used to be a happy go lucky. What turns you into a person you are not?."
She sighed. "Pwede bang huwag ka ng magtanong?. Buhay ko na ang pinapasok mo. Kung ano ang pagkakakilala mo sa akin, iyon lang 'yon. Ako na iyon!. Pasalamat ka pa nga dahil sa lahat, ikaw lang ang hinayaan kong kausapin ako ng ganito."
"Thank you."
She was taken aback by that. Kumurap pa muna siya bago bumaling sa binata. "Ano?."
"Sabi mo, dapat magpasalamat ako dahil kinakausap mo ako ng ganito, so I said "thank you"."
She laughed. "You're weird." Sambit niya saka muling itinutok ang sarili sa pagmamaneho.
"I know."
Sandaling katahimikan ang namutawi sa kanilang dalawa. Akala niya ay hindi na ito magsasalita pero hindi niya inaasahan ang biglang pagsasalita ng binata.
"When she left me with Princess." Panimula nito. "Sobra akong nasaktan. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Gusto kong tanungin ang diyos kung bakit niya hinayaang magkaganoon ang buhay pag-ibig ko. Dahil ba iyon sa ang hilig ko sa babae, dahil ba sa mga maling nagawa ko no'n at pinarusahan niya ako ng ganito." Saad niya saka mapaklang tumawa, bumaling siya rito pero hindi niya ito nakitaan ng lungkot.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]
General FictionLucas Allegre lives in America for almost his whole life. Nandoon ang kompanya niya, ang pangarap niya. Pero mapipilitan siyang iwanan ang bansa at makipagsapalaran sa bansang hindi niya nakagisnan. Ang pilipinas. Kinailangan niyang pumunta sa lupa...