CHAPTER THIRTEEN

50.1K 1.2K 35
                                    


Chapter 13

LAGLAG ANG PANGA NI Lucas pagkalabas niya ng bahay ay makita niya ang nakaparadang pulang lamborghini. Hindi siya makapaniwala na makakita ng isa na nakaparada pa sa tapat ng bahay nila. Nangangati tuloy ang kamay niya at parang gusto niya itong sakyan at imaneho.

It was one of his biggest dream, ang magkaroon ng isang sports car, kahit na ano, basta sports car. Gusto niya kung gaano ito kabilis, kung gaano kasarap pakinggan ang huni nito. At kung gaano ito kaangas tingnan.

Hindi siya bumili dahil ayaw ng ina niya. Masyado daw mabilis at nakakatakot sakyan. Kaya naman noong mawala siya sa poder ng ina ay pinag-ipunan niya iyon pero nang dumating si Julia sa buhay niya ay muli niyang kinalimutan ang pangarap na magkaroon ng lamborghini.

And this one infront of him!. Goodness!. How he wish to fucking drive the car. Kung sino man ang may-ari nito ay napaka-swerte at naiinis siya dahil ito pa mismo sa tapat ng bahay nila pinarada---

"Matunaw." Pukaw ng isang pamilyar at malamig na boses sa kanya dahila para lingunin niya ito. "Sa mga magulang mo na pala sumabay ang anak mo. Hinanap ko sila, sabi ni ate Loring sumabay na daw."

Nakangisi ito sa kanya habang nakasandal sa hamba ng pader. Ang mga braso nito ay magkasiklop habang matiim na nakatingin sa kanya.

"Do you want to drive it?." Tanong ng dalaga sa kanya.

"Nope." He lied. "Hindi naman sa akin iyan baka--"

"Ok." Hindi na siya nito pinatapos pa. "Your choice," saka nito hinugot sa bulsa ng pantalon ang susi habang naglalakad palapit sa pulang lamborghini. May pinindot ito dahilan para awtomatikong bumukas ang pinto ng driverseat.

Nanlaki ang kanyang mga mata at dahan-dahang itinuro ang kotse. "Is that yours?."

She chuckled sarcastically. "Ano ang sasakyan ko papunta rito, kung hindi ito?."pilosopong tanong ni Sera sa kanya. "You can drive it, if you want." Anito saka inihagis sa kanya ang susi.

"For real?." Namamanghang tanong niya."I saw you riding a different car the other day. It's.. you own two cars?."

"Hm-mm." Tugon nito saka ngumisi."It's not just two cars."

"Huh?. You mean.."

"I own two lamborghini, one mustang and one porche." Saad ng dalaga. "This one is lamborghini  huracán, the other one is veneno." Hindi niya nahimigan ang pagmamayabang nito dahil napaka-seryoso ng mukha nito. "Ginagamit ko lang naman ang mga ito tuwing kakarera ako."

Lalo pa siyang namangha sa dalaga. Hindi niya akalaing mabibigla siya sa mga nalaman niya mula sa dalaga. Kaunti palang pero kahanga-hanga na.

"Racer ka?,"

Marahas itong umiling. "Nope, I'm just racing to lessen my anger. You see, mr. Allegre, I have a short temper. Madali lang akong magalit, at karera ang ginagamit kong paraan para mawala ang galit ko." Anito.

Matiim siyang nakatitig lang sa dalaga saka bumaling sa sport's car saka dalaga.

He couldn't believe it?. A woman in lamborghini?. And she is racing?. Wow!, just wow. Hindi niya akalaing may mga babae palang may ganitong klase ng sasakyan.

He laughed in disbelief. "I didn't know."

She tsked. "There's a lot of things you didn't know about me, Allegre." Wika nito. "And it's best for you if you didn't know all of 'em." Anito saka nagpaunang sumakay sa kotse.

Siya naman ay naiwang nakatanga sa gilid ng lamborghini at nag-aalangang sakyan ito. Pero nanaig parin ang kagustuhan niyang magmaneho kaya naman dali-dali siyang tumungo sa pinto ng driver's seat saka sumakay.

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon