CHAPTER FIVE

47.9K 1.2K 6
                                    

Chapter 5

PAGBALIK NI LUCAS sa ospital ay inaasahan na niya na magwawala ang anak pag-gising, pero mali ang hinala niya. Her daughter is already awake but calm and not freaking out?. How did it happen?.
Hindi naman sa gusto niyang makita ang anak na umiiyak at nagwawala pero gulat ang bumalatay sa kanya nang makita kung gaano masaya ang anak. Sa ospital?!.

Masaya ito habang pinapakain ng ina. May minsang kakanta pa ito at minsa'y lilingon sa pinto na para bang may hinihintay.

Kunot noo niyang pinagmamasdan ang mukha ng anak. At sa totoo lang ay nakahinga siya ng maluwag. Meron bang nangyari kagabi na hindi niya alam?.

Bumaling siya sa ina at pansin niya ang pag-iwas nito sa kanya. Ni hindi nga siya nito tinatapunan ng tingin. Pagdating niya galing sa bahay ay parang ilag sa kanya ang ina. Ganoon din ang kanyang ama, halatang umiiwas ang mga ito sa kanya.

"Mamina, when can I see mommy?." Kapagkuwa'y tanong ng anak niya. "She'll visit me, right?." Ang mga mata nito ay nangungusap. "She'll keep her promise, diba, mamina?."

Lalong lumalim ang gatla ng noo niya sa sinabi ng anak. Sino ang nangako sa anak niya?.

"Ahm.." Nilingon siya ng ina. "I-Ikaw muna ang magpakain sa bata." Anito saka ibinigay sa kanya ang hawak na bowl. "Ipapasa ko lang lahat ng mga diagnoses ni Princess sa doktora."

"Samahan na kita." Wika ng ama saka sumunod sa ina.

Sinundan pa muna niya ng tingin ang dalawa bago niya muling ibinalik ang paningin sa anak. Tumabi siya rito saka ito sinubuuan.

Nag-angat ng tingin ang anak at ang mga mata nito ay may kinang. "Daddy, from now on, you can't feed me."

Tumaas ang dalawang kilay niya sa pagkamangha na sa sinabi ng anak. "Why?. Ayaw mo na ba na ako ang magpakain sa'yo?."

Umiling ang anak. "Mommy is here already. Siya na ang gagawa no'n. I'm just waiting for her." Anito saka sumulyap sa nakasarang pinto. "Why took her so long?."

'Sino?.'

Matiim niyang tinitigan ang anak at mababasa sa mga mata nito ang paghihintay.

"Princess, diba sinabi ko naman sa'yo na busy si mommy, kaya ako muna ang mag-aalaga sa'yo?."

Bumaling sa kanya ang anak saka tumango. "I know, daddy. Pero binisita niya ako kagabi. She even promise me that she won't leave me again. Narinig iyon ni mamina. Kaya hindi ako aalis dito dahil dito niya ako pupuntahan."

"Did she pinkypromise?."

Umiling ang anak. "But she said, 'promise' to me."

He sighed.

Whoever she was, she has gonna have a lot of explaining to do with him. Hindi niya hahayaang lumala ang pagsisinungaling niya sa anak. Ayaw niyang paasahin ang bata sa wala. Imposibleng ang ex-girlfriend niyang si Julia iyon, dahil naman niya sinabi rito na uuwi sila ng pilipinas at wala na itong pakialam sa kanila.

"Okay," sinakyan nalang niya ang mga sinabi ng anak.

Muli niyang sinubuan ang anak. "Doctor will visit you soon, baby." Balita niya rito.

Natigilan ito at takot na tumingin sa kanya."Are they gonna poke me?. Like before?." Inosenteng tanong nito. "Kukuha ba ulit sila ng dugo ko?."

"Well, it's part of the test for you." Sabi niya saka pinanggigilan ang matangos na tungki ng ilong nito. "Para gumaling kana."
"But can you call mommy, atleast?." Pakiusap nito. "I want her beside me. I'll be braver if she is here beside me."

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon