CHAPTER THREE

45.3K 1.2K 18
                                    

Chapter 3

"EXCUSED ME," tawag pansin niya sa babaeng nasa information desk ng ospital.

"Yes, sir?. How can I help you?." Nakangiting tanong nito. Napansin niya ang pagnanasa sa mga mata nito pero hindi niya iyon pinag-tuunan. He wants to see that doctor right away. He wants to talk to her.

"Pwede ko bang malaman kung saan ang office ni dr. Herrera?. Surgeon."

Kumunot ang nuo nito. "Ahm. sir, pasensya na po pero pwede po bang malaman kung sino?. Kasi po dalawa ang dr. Herrera sa ospital na ito at pareho rin pong surgeon."

"Dra. Herrera." Sagot niya rito.

Kaagad naman nitong tinuro ang daan papunta sa office nito. Nagpasalamat pa muna siya bago tinungo ang office ng doktora.

Kaagad niyang binuksan ang pinto dahilan para lingunin siya ng babaeng nasa loob na sa tingin niya ay sekretarya nh doktora.
"Excused me, pwede ko bang makausap si dra. Herrera?."

Nangunot ang nuo nito habang nakatingin sa kanya. "May appointment po ba kayo kay dra. Herrera, sir?."

Umiling siya. "Wala," tipid niyang sagot. "I'm Lucas Allegre and I set my appointment with you yesterday at one o'clock. Nagpunta na dito ang ina ko para kausapin ang doktora, but I want to talk to her again. Nariyan ba siya?."

"Ahm, opo sir." Nag-aalangan nitong sagot. "Pero may kausap pa po siya sa loob, isa sa mga patient niya. Atsaka po, hindi niyo po pwedeng kausapin si doktora hanggat hindi po kayo nag-set ng appointment."

Tiim-bagang siyang tumingin rito."I need to speak with her, this is important!."

Napaigtad ang babae sa pagsigaw niya "S-Sir." Bigla itong natakot sa kanya. "Pasensya na po talaga. Hindi po talaga pwede. Ang papagalitan kapag nagpilit po kayo."

Napabuntong-hininga siya kasabay nang pagbukas ng isang pinto at iniluwa nito ang isang matandang babae at lalaki.

"Excused me, sir." Anang sekretarya saka dinaluhan ang dalawang matanda.

Siya naman ay kinuha ang pagkakataon para makapasok sa opisina ng doktora. Ni hindi manlang siya napansin ng mga ito na pumasok doon. Maingat niyang isinara ang pinto para wala itong ingay na magawa.

Nakahinga siya ng maluwag nang maisara niya ang pinto saka humarap. Namangha siya nang makita kung gaano kalinis ang opisinang iyon. May isang bookshelf na punong-puno ng libro ang naroon. Sa tabi ng bookshelf may dalawang mataas na drawer.

Meron din isang maliit ngunit malawak na mesa na tanging chessboard lang ang nakalagay. May dalawa ding upuan na magharap sa mesang iyon.

Napaigtad siya nang may tumikhim sa likuran niya. Kaagad niya itong nilingon at halos tumigil ang pag-ikot ng oras niya at ang kaninang normal na tibok ng puso niya ay naging malakas at mabilis. Natulala siya at ang kanyang mga mata ay sa maganda at mala-anghel na dalaga lang nakatuon.

Marami na siyang nakilalang babae pero kakaiba ang taglay na kagandahan ng babaeng kaharap niya.

She has a face of a heart and a straight long black hair. Her brown eyes-framed by long lashes, and seemed cold. A straight nose, a red cupid lips-she seems like the picture of perfection. Hindi ito nakangiti, pero sigurado siya na kapag ngumiti ito ay mapapatigil nito ang pag-ikot ng kanyang mundo. Maswerte ang kasintahan nito, kung meron man.

Dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa katawan nito. She is wearing a labcoat, and he must admit, it suit her pretty well. At alam na niya na ito ang doktor na hinahanap niya. Ang doktor na magdudugtong sa buhay ng anak niya.

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon