CHAPTER TWENTY-SEVEN

45.4K 1.2K 36
                                    

Chapter 27

"YOW." BATI NG kaibigang si Aquarius sa kanya nang pumasok ito sa private room kung saan nakahiga ang wala paring malay anak. Kasama nito ang dalawang pinsan na sina Riley at Andrei na may dalang prutas at teddy bear.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang hindi lang pala si Aquarius ang naroon, maging ang iba sa mga bago nitong kaibigan.

Kaagad siyang tumayo upang salubungin ang bagong dating. At luminga-linga sa paligid kung magkakasya ba ang mga ito. Sa dami nila ay paniguradong kakailanganin nila ng mas malaking kwarto.

"Hello." Bati ng isang lalaki na singkit at mukhang lasing dahil namumungay ang mga mata nito at paika-ikang lumapit sa kanya at nakipag-kamay.

"Mason, bawal kang pumasok!." Singhal ni Riley sa nag-ngangalang Mason saka tipid na ngumiti sa kanya. "Heart broken iyan."

"I am not." Mason countered. "I am just aching. Hindi ko akalaing mas pipiliin ni Genivive ang hapon na iyon kaysa sa akin?." Anito saka tinuturo ang sarili. "Mas
gwapo naman ako kaysa doon. Mayaman din naman ako at---hi miss beautiful."

Lahat ay natatawang napailing nang makita nito ang kapatid ni Julia na si Aria. At akmang lalapitan ito nang pigilan ng isa ring singkit na lalaki.

"Anong drama iyan, Mason?." Naiiritang tanong naman ng isa ring singkit. "I'm Kaden Yeun." Pagpapakilala nito nang mapansin sigurong nakatingin siya rito. "Iuuwi ko na si Mason. Kapag ito nag-ingay sa kotse ko, isasako ko tapos itatapon ko nalang sa ilog pasig. Akala mo naman nabasted." Biro nito ngunit seryoso naman ang mukha. "Let's go."

"Bye, people!." Kumaway pa ito saka biglang sumakay sa likod ng nagngangalang Kaden dahilan para mawalan sila ng balanse at matumba.

"Fuck you, Mason!." Singhal ni Kaden na halata sa mukha ang iritasyon. "I am really going to throw you!."

Tinawanan lang ito ni Mason na nakahandusay na sa sahig. Walang nagawa si Kaden kundi ang hilahin nalang ito palabas ng private room.

Mula sa loob ng private room ay dinig pa nila ang pagkanta kanta ni Mason at ang pagsuway ni Kaden rito.

Nagtawanan ang mga kalalakihang naroon at nakisabay narin siya.

"Doon muna ako sa labas." Paalam ng kapatid ni Julia na si Aria. "Pakisabi nalang kay kuya Kile na nasa labas ako, pagnagising siya."

Tumango lang siya saka bumaling sa lalaking nakaupo habang natutulog sa pang-isahang sofa. Ni hindi manlang ito natinag sa tawanan nila.

"Who is that?." Tanong ni Lewis sa kanya.

"Kile Alonzo." Sagot niya rito.

"We're sorry about the sudden visit and with the gang." Paghingi ng tawad ni Aquarius sa kanya. "Kami lang dapat tatlo pero nagpumilit sumama ang mga ito kaya naman sinama narin namin. Moral support daw para sa'yo at sa inaanak ko."

"Thank you." Sambit niya saka ngumiti. "I appreciate it. Salamat talaga sa inyong lahat sa pagdalaw."

"No problem, man." Sagot naman ni Zachary. "We have a motto. Kung kaibigan ng isa, kaibigan narin namin. So don't hesitate to call us if you need help or company. We will be there for you, may bagyo man o wala."

Parang may humaplos sa puso siya sa tinuran ni Zachary at sa iba pang mga naroon. Masasabi niyang maswerte ang kaibigan niyang si Aquarius dahil nakahanap siya ng mga kaibigan kagaya ng mga ito.

"KAMUSTA NA SIYA?." nag-aalalang tanong ni Celeste sa kanya. "God, Sera, why didn't you tell me?!." Sigaw nito sa kanya.

She sighed in irritation then glared at her sister. "Sa dami ng nangyari, maiisip ko pa ba na sabihin sa'yo?." Inis na tanong niya rito. "Di'ba kasama mo naman si Eros sa isla, bakit hindi ba niya sinabi sa'yo?."

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon